"ILANG BESES KO NA BANG SINABI SAYO NA AYOKONG MAPADIKIT KA SA PAMILYANG YAN!HINDI KA NAKIKINIG SA AKIN!"nabalitaan niya kasi yung nangyari,tapos may benda pa ko sa ulo pag uwi ko..
"Mom..mahal ko po si Jelai...
"Anak!kelan ka pa naging tanga..akala mo lang mahal mo yung babaing yun,kasi laging nandiyan at pabuntot buntot sayo!..
"Hiwalayan mo na siya!.."
"Mom...im sorry..."
"Hindi ka ba talaga makikinig sa akin?..."saka umalis si mommy,alam ko hindi niya pa talaga matatanggap pero hihintayin ko na lang kung kelan magbabago ang isip niya..
Paggising ko ng umaga,nakahanda ang pagkain sa mesa pero wala si mommy,natagpuan ko siya malapit sa kwarto niya,nakadungaw sa bintana..
Lumapit ako saka ko siya niyakap galing sa likod..kahit ganyang mataray si mommy,alam kong mahal na mahal niya ako..
"Mom,im sorry..matagal ko nang pinigil ang nararamdaman ko para kay Jelai,dahil alam kong ayaw niyo sa kanya..pero mom,please,kilalanin mo naman siya para sa akin oh.."
"Alam mong hindi ko magagawa yan.."tinalikuran na naman niya ko..
Pagdating ko sa gate nandun na si jelai..napangiti ako pagkakita ko sa kanya,nakakalimutan ko talaga ang problema ko pag nakita ko na siya..
Malayo pa ko,nanakbo na siya.."Kumusta?pinagalitan kaba ng mommy mo?pinagpalit palit niyang tingnan ang magkabila kong pisngi..
"So kaya ka lang pala maaga ngayon..kasi gusto mo lang malaman kung inaway ba ako ng mommy ko?.."
"Siyempre miss din kita!..sabay sabit ng kamay niya sa leeg ko,hanggang dibdib ko lang kasi siya...
"Talaga?!.."
"Oo,naman!"saka ko kinuha sa likod ko yung 3 red roses,at inabot sa kanya..hinatid ko muna siya sa classroom namin,saka ako pumunta sa canteen nandun kasi sina Bingo at Dexter..
"Alam na nang mommy mo?ayaw na ayaw pa naman nun kay jelai..pano na kayo?.."
"Matatanggap din naman ni mommy si jelai pag nakilala na niya,mabait si jelai..masayahin...hindi siya mahirap mahalin.."
"Sana nga tol,mahirap yan pag tumutol ng husto ang mommy mo.."
********
Nakaupo ako ngayon sa counter dito sa minimart ni tita ng biglang nasa harap ko na ang mommy ni Von..
"Ikaw,jelai!malandi ka,tigilan mo ang anak ko!.."
Tumingin ako kay tita..tumango naman siya,tumayo ako..kaya sumunod naman ang mommy ni Von..pero pagdating na pagdating namin sa likod nung
Minimart,malakas na sampal ang ibinigay ni aling martha..Nagulat ako,hawak ko lang yung namumula at nangagapal kong pisngi..hindi tuloy ako makapagsalita..
"Hindi lang yan ang gagawin ko sayo..kapag hindi ka nakipag break sa anak ko!"
Saka siya umalis..Sinusundo pa naman ako ni Von,tuwing gabi after ng last shift ko sa pinapasukan ko..kaya pilit kong itinatago sa kanya yung namumula ko pang pisngi,yung kabila lang kasi..dapat pala pinasampal ko pa yung isa para pantay..
"Parang ang tahimik ng angel ko ah.."
"Napagod lang siguro ako.."
"Bakit kasi,hindi mo bawasan ang sideline mo,.."
"Okay lang naman,sanay na ko..minsan lang naman ako ganito.."
"Iuuwi na lang kita ng maaga,teka...patingin nga ng mukha mo..bakit lagi kang nakayuko?.."
"Wa..wala..wala to.."pulang pula pa kasi ang pisngi ko na sinampal nang mommy niya..
"Napaano yan?..sinong may gawa?!..,"
"Wala!nauntog lang kanina.."
"Angel?.."
Ngumiti ako sa kanya.."Wala to,promise..lika na,uwi na tayo..kanina pa nga kasi masama ang pakiramdam ko.."
Buti naman napilit ko siya,kahit alam kong hindi siya naniwala na nauntog lang yung nasa pisngi ko..naiintindihan ko naman ang mommy niya,sa buhay ko nga ba naman na to,mas marami pang makikilalang mas maayos si Von..
"Ikaw lang talaga nagtatanggal ng pagod ko,.."
Nakahiga ako ngayon sa kandungan ni Von,dito muna kami nagtatambay sa park,mahangin kasi dito..malapit lang din ito sa subdivision nina von at sa bahay namin..Habang hinahaplos haplos ni Von ang buhok ko..
"Angel,gusto ko na ring mag part time para matulungan kita,para hindi ka na masyadong napapagod.."
Bumangon ako mula sa pagkakahiga.."Von!hindi mo kailangang gawin yan..gusto mo bang lalong magalit sa akin ang mommy mo.."
"Hindi lang din naman dahil sa yo,gusto ko din naman talagang kumita ng sarili ko.."
"Pero hindi nga yun ang iisipin ng mommy mo.."
Kaya please,wag mong gagawin yan..hindi naman kailangan.."
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai