"Good Afternoon Wifey.."Humalik siya sa labi ko,matagal.ganyan talaga siyang humalik parang gusto ka nang dalahin sa kama sa halik niya. Buti na lang wala si Mommy dito..As usual nag eenjoy pa din siya kasama nang mga Amiga niya.
Hindi na kami umalis sa bahay nila, Naging maayos naman ang pagsasama namin kasama ang mommy niya..
Never kasi siya na nakialam sa amin, kahit nga nag aaway kami..Sasabihin lang niya, mag usap kami,hindi niya kailanman kinakampihan si Von. Alam niya kung kailan siya dapat magsalita.Niluwagan ko ang necktie niya saka ko tinanggal..
"Hubby, kumain na tayo..Ako ang nagluto niyan.."sabi ko nang bumitaw ako sa halik niya.
Hinila niya ulit ako sa bewang saka ako hinalikan sa leeg..nanindig na ang balahibo ko..
"Hubby.."
" I miss you.."
"I miss you too, Hubby.. Pero Mamaya na ang miss na yan.."Nakatawa akong bumitaw sa kanya,isang gabi lang siyang hindi natulog dito dahil sa pinuntahan niyang out of town.
"Wifey parang hindi mo ako namiss..samantalang ako,sobra kitang namiss.."Sabi niya na kunwari nagtatampo.
"Hubby..Mamaya ipapakita ko sa'yo kung ga'no kita namiss.."
Biglang sumigla ang mukha niya..
"Talaga wifey? Promise yan ha..naexcite tuloy ako.."
Yumakap ulit siya sa likod ko.nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko.Naghahanda pa naman ako nang hapunan.
"Hubby, kumain muna tayo.."
Nagulat kami nang biglang tumakbo ang anak namin.. Palapit sa Akin saka yumakap sa bewang ko.
Si Raven, He's 7 years old now..
"Bakit? Anong nangyayari?"tanong ko kay Raven
Sumunod naman ang Panganay namin, si Angel..She's 10 years old.Hinihingal pa sa silang pareho sa pagtakbo..
Mabilis siyang yumakap sa bewang nang Daddy niya.."Hey, kids!Whats happening?"
"Dad!si Raven kasi!"
"Are you having a fight?"
"No, Dad!"
"So? Anong nangyayari?"
"Dad, Si Ate kasi..she's stalking Jenzen.."
Bigla akong inubo..Stalking? At her age?
"Wifey..are you okay?"lumapit siya sa akin saka hinaplos haplos ang likod ko.. tumango ako..saka niya Binalikan yung dalawang bata..
Ipinagpatuloy ko naman ang paghahanda nang pagkain..
Ipinagpatuloy din ni Hubby ang pagiimbistiga sa mga bata."Sino si Jenzen?"
"Dad..crush siya ni Ate..at kahit saan pumunta yung si Jenzen, sinusundan niya,just like kanina..pumunta sila sa field, kasi may games sina Jenzen.tapos yesterday my classmate told me, nakita niya si Ate,binigyan niya nang cookies si Jenzen. "
"Totoo ba yun Angel?"
"Yes, Dad.."
Gusto ko na namang umubo, sa dami ba naman nang mamamana niya? Yung pagiging stalker ko pa?
"Totoo bang stalker ka niya?"
"Im not a stalker Dad..Nanood lang ako kapag may games sila. Saka pag sumali siya sa mga Quizbee, kapag may iba pa siyang sinasalihan.."
"Hindi ka pa stalker non baby? "
"No.."
"Dad, kahit saan pumunta si Jenzen sinusundan niya..Sinasabihan na ako nang mga classmates ko stalker daw ang sister ko.."
"I like her kasi Dad..Mom..gusto ko lang naman po siyang makita.. "
"Wifey, pagsabihan mo nga itong si Angel.."Sinamaan ko siya nang tingin.. Saka ako bumalik sa ginagawa ko..
"Ako talaga? Hubby..ako talaga ang magpapangaral sa anak mong stalker?"
"Hahaha..."
"Hubby, Tawa pa."sabay irap ko sa kanya. Hinayaan ko na siyang magpangaral sa bata.
"Angel..its not wrong na magkacrush ka, pero..yung mang stalk.."Sabay tingin sa akin..tama ba yun?kailangan may sulyap sa akin? Saka pinigil ang tawa niya..
"Mali na mag stalk ka, saka baby..bata ka pa kasi..at kung nasa right age ka na hihintayin mo ang lalaki na, manligaw sayo, kahit pa gustong gusto mo na siya.."
Bakit ba, lahat nang sinasabi nang magaling kong asawa tinatamaan ako..kainis..
Binilisan ko na ang kilos ko..
Tinawag ko si Manang na kasambahay namin para ipagpatuloy ang pagliligpit.."Wifey..galit ka ba?"Dumiretso na ako sa kwarto namin.
Tumabi siya sa akin sa kama..Pinapasok ko na sa kanya kanyang kwarto ang dalawang bata..Mababait naman sila, magkasundo din sila,hindi lang minsan naiiwasan na may hindi sila pinagkakasunduan, kagaya ngayon, nag aalala lang siguro si Raven sa Ate niya.Pero sandali lang naman wala na yun.
Niyakap niya ako, yung mukha niya nasa leeg ko. Nakasiksik..
"Hindi naman ako galit, naiinis lang ako! Pinaparinggan mo ba ako?!"
"Wifey! Haahhahhaa!"
"Hubby! Tinatawanan mo ako! Kanina ka pa!ako talaga ang stalker noh! Hindi mo masabi kanina pero ako yun!"Kumalas ako sa yakap niya..
Hinabol niya naman ako saka niyakap ulit.."Wifey? Hindi ko pa ba nasabi sayo?na hindi ikaw ang stalker? Ako talaga ang stalker mo..mas mahal na kita noon, pinipigil ko lang, pero ang totoo inistalk kita. "
"Ano yan? Pampalubag loob?"
Hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko."I love you.. Wifey..Mahal kita Matagal na matagal na at hindi na yun magbabago pa.."
Saka niya hinawakan ang mukha ko, at hinalikan ang labi ko..
Halik niya na hindi nagbabago..kung gaano kainit noon ganoon pa din hanggang ngayon..
Konting baba pa nang halik niya, mawawala nang tuluyan ang galit ko..Ibinaba nga niya ang halik niya..
Saka siya bumangon at pinatay ang ilaw..
Umpisa na nang pagtanggal nang galit ko..Pampalamig nang ulo ko,kahit umiinit ang katawan ko..Habang tumatagal pala ang pag sasama niyo lalong umiinit..Kaya nagtataka ako kung bakit maraming mag asawa na naghihiwalay.. Samantalang kami nang Hubby ko..Lalong nag iinit ang samahan namin, lalo kong nararamdaman ang pagmamahal namin sa isa't isa..
Lalong nadagdagan ang init nang dumating pa ang Munti naming mga Anghel..Lalong naging makulay ang buhay may asawa namin..
Marami man kaming pinagdaanan..Hindi kayang burahin nun ang pagmamahalan..Hanggat nandiyan lang siya sa puso niyo, mananatiling titibok ito para sa minamahal mo..****Ending****
A/N
Please try to Read my Another stories.. Imcindygirl
Love kita Secret Lang**
Dating My Rich Boyfriend**
The Bully and The Beggar**
This Badboy is Inlove with You**
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai