Chapter 39

11 0 0
                                    


Graduation Day..

Excited na excited ako..
Sa wakas lahat ng paghihirap ko..natapos na at ito ang simula ng maginhawang buhay..

"Ate!ano ka ba!Halika na nga dito..aayusan na kita!"

"Ericka,siguraduhin mong maganda ako ha.."

"Oo naman siyempre noh!papayag ba akong mahigitan ka nila sa ganda.."

"Ate!congrats..i love you.."

Sabay yakap at halik ni Bunso..

"Ate..ibig sabihin dahil graduate ka na..yayaman na tayo?"

"Hmmn..gagawin ni ate yan..para sa inyo.."

"Talaga ate ha..pag nagcollege ako sa sikat na College ako papasok..para mas madaling magtrabaho.."

Singit naman ni Maricka..nakakatuwa sila..sana matupad namin ang pangarap namin at nasa mga kamay ko na yun ngayon.

"Ate,andyan na ang service mo..nakasakay na sina Nanay.."

"O,sige tara na.."

Si Uncle Philip ni Von,ang driver namin..yung Van kasi nila ang maghahatid sa amin papunta sa pagdadausan ng graduation namin..

"Congrats,Angel!"

"Thank you Uncle!pero wag niyong iparinig yan kay Von..na angel tawag mo sa akin lagot ka dun..hindi pa po sumama si Von?"

"Mamaya pa siguro,may inaasikaso lang..yun pa mapalagpas ang pinakahihintay niyang sandali.."

Sumakay na kami sa likod nung Van..magkatabi kami ni Nanay..si Maricka at si Ericka..pati si Bunso nasa unahan namin..

Naramdaman kong hinawakan ni Nanay ang kamay ko..saka nakangiting tumingin sa akin..

"Jelai...sana ito na nga ang hinihintay natin..Yung makaahon na tayo sa hirap at mabago ang takbo ng buhay natin..yung hindi ko na kailangang humanap ng bagong asawa,kapag napapagod na akong buhayin kayo..pasensiya na anak..yun lang kasi ang naiisip kong paraan..mahina kasi si Nanay..laging sumusuko..ikaw hindi ka ganon..sana hindi ka ganon.."

Nakangiti si Nanay pero may tumutulong luha sa mata niya.ngayon alam ko na..sana noon pa ipinaliwanag na niya..pag pagod na siya,at gusto niyang sumuko..maghahanap siya ng taong bubuhay sa amin..lagi kaming galit sa kanya,kasi akala namin para lang sa kanya yung ginagawa niya..mali man ang paraan niya,ipinakita pa rin niya ang pagiging ina..

Yumakap ako kay Nanay..umiiyak na din ako..

"Ngayon pa ba tayo matatakot nay,nakatapos na ako..ako nang bahala sa inyo.."

"Ay,Ano ba yan?!ate naman!bakit ba kasi umiyak ka pa!ayan natanggal na yung make up mo.."

"Aba!ayusin mo naman kasi!hindi yung isang patak lang ng luha,tanggal na ang make up ng ate mo.."

Nakarating kami sa place na pagdadausan..nagkakagulo na nga sila..kanya kanyang yakapan,iyakan..picture taking..ako naman nanghahaba na ang leeg ko..wala pa rin ang hinahanap ko..

Tinawag na sa mga designated na upuan ang mga graduate wala pa rin siya..
Hay,yung lalaki talagang yun,gusto pa yata..grand entrance.

Nag umpisa na ang ceremony..kung sino sinong tinatawag..aakyat sa stage, magsasalita..ako,nanatili na lang yata ang ngiti sa labi ko..para akong nakalutang sa ulap..para sa aming mahihirap,pag nakarating ka sa ganito..napakalaking achievements na..

"Barcelona,Michelle"

"Bartalla,Rowena"

"Bartolome,Anjelika"

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon