Chapter 49

16 0 0
                                    


Ilang linggo ko nang tinitiis si Jelai na hindi kausapin..Baka kasi kapag ginawa ko yun,gustuhin na niyang umuwi..
Hindi ko na kasi siya maintindihan, Sabi niya gusto na niya akong makita, gusto niya akong makasama at ang pamilya niya..Pero ngayon, pinapayagan na siya nang company na umuwi ayaw naman niya..
Gusto ko silang alagaan ni Baby..Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kanila..pero paano ko gagawin yun, kung ganon siya kalayo.

"Kumusta siya Dianne?"

"Ayun laging umiiyak,mukhang hindi natin siya mapipilit na umuwi kahit hindi mo siya kausapin..Sabi niya hindi mo na daw siya mahal kasi nga hindi mo na siya kinakausap..parang lalo siyang nagdaramdam..kausapin mo na kasi.."

"Dianne, ano ba talaga ang dapat kong gawin sa kanya?"

"Wala nga tayong magagawa, matigas nga ang ulo,siguro mga 9 months pa ang tiyan niya saka siya uuwi..kaya maghintay ka na lang, okay naman na siya ngayon, hindi kagaya nang dati..hindi na siya nagsusuka..wala din siyang nararamdaman.."

"Salamat Dianne ha?"

"Anong salamat may bayad to ha?"

"Oo naman! Promise! "

"Gwapo ha?"

"Oo, basta gwapo din na lumabas ang baby ko.."

"E kung mukhang italyano,ang magiging baby niyo?"

"Kalimutan mo na ang promise ko.."

"Joke lang!ito naman hindi na mabiro! Sige na lalabas na yun, naliligo lang.."

Saka niya pinatay ang laptop.
Buti na lang talaga nandun si Dianne para bantayan si Jelai..
Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag alala..
Gusto kong nasa tabi ko sila ni Baby..

"Buntis si Jelai?"Gulat na tanong ni Tita Anicka..este Nanay pala.

"Buntis si Ate? Bakit hindi pa siya umuwi?"

"Please, kausapin niyo naman siya para umuwi na..gusto ko lang talagang maalagaan siya ngayong buntis siya.."

Wala na akong choice, kaya sinabi ko na sa pamilya niya..
Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko..

"Ako na ang kakausap sa kanya Von, susubukan kong pakiusapan si Jelai.Baka mapapapayag kong umuwi na.."

Ilang araw na ang lumipas, at alam kong nakausap na nang Nanay niya si Jelai, pero mukhang hindi na namin kayang pagbaguhin ang isip niya, na umuwi na dito..

Magkaharap kami ni Wifey ngayon..Hindi siya umiimik, mukhang nagalit siya dahil sa ilang linggong hindi kong pagpaparamdam sa kanya.

"Wifey.."Tumingin lang siya..tapos inilingon na ulit sa iba ang tingin niya.

"Wifey, sorry..pero kasi gusto ko lang naman talaga na umuwi ka na, para alagaan ko kayo..sorry, kasi yun ang naisip kong paraan para mapauwi ka.."

"Sorry din..kasi..hindi kita mapagbigyan, Hubby..pag umuwi ako, hindi na ako babalik dito..kaya gusto kong tapusin pa ang ilang buwan ko..please..naiintindihan mo naman ako diba?"

"Pano si Baby?"

"Iniingatan ko siya, inaalagaan, kaya wag ka nang mag isip nang kung ano ano.."

"Pero pano kung may gusto kang pagkain, sa hatinggabi?Pag nagsusuka ka sa umaga..wifey, gusto kong gawin yun,gusto kong pagsilbihan ka.."

"Kahit naman hindi mo yun gawin, alam kong mahal mo kami ni Baby, pero wag kang mag alala, kasi walang gustong pagkain si Baby, yun nga lang sa sobrang takaw ko, lahat nang pagkain..gusto kong ilagay sa tiyan ko."

"Basta, wifey mag iingat kayo ha..I love you wifey, kayo ni Baby.."

Ilang oras pa kaming magkausap habang naglalaba siya, nakasalang sa washing ang mga damit niya.kung nandito siya hindi ko hahayaang mapagod siya.

* * * * * * * * * * *
J

elai**

Excited na ako..
Makikita ko na ang pamilya ko, siyempre, ang pinakamamahal kong Hubby..
Pero nahihiya ako,ano kaya ang sasabihin niya kapag nakita niya ako?
Tiningnan ko ang katawan ko ang laki laki na nang tiyan ko..
Ang taba ko din, kasi ang takaw kong kumain..
Yung ilong ko nga,namamaga parang si rudolph the rednose reindeer lang.
Lagi niya akong nakikita sa Videocall, pero iba kasi pag personal..feeling ko talaga ang laki laki ko na..
9 months na nga kasi ang tiyan ko.. Kabuwanan ko na nga..
Inayos ko na talaga muna ang dapat kong gawin bago ako umuwi dito.
Si Dianne naman ang mamiss ko, siya ang lagi kong kasama at katulong sa lahat nang hirap ko sa pagbubuntis...Sobrang inalagaan niya ako..
Bitbit ko ang bagahe ko..
Tinatanaw ko kung sino ang susundo sa akin..

"Wifey!"

Hala..ano nang gagawin ko.si Hubby talaga ang sumundo..hindi ako nakaalis sa pwesto ko..
Ang gwapo pa rin nang hubby ko, ako ampangit ko na..

Tumakbo siya papunta sa akin saka niya ako niyakap..

"Wifey?"

"Hubby.. Ampangit ko na.."

Hinaplos niya ako sa pisngi saka ako hinalikan sa noo..

"Maganda ka pa rin sa paningin ko..I love you wifey.."

"I love you.."saka ako yumakap sa kanya..
Hinimas niya ang tiyan ko..tapos yumuko siya para makatapat sa tiyan ko.

"Hi baby..Im your Daddy..Mula ngayon hindi na tayo magkakahiwalay..i love you Baby.."

Tumayo siya saka niya ako hinalikan sa labi..

"I love you wifey, wag ka nang aalis ha?hinding hindi ko na ko na kayo papayagan,dito na lang kayo sa tabi ko.."

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon