Naniniwala ba kayo sa love at first sight?
Ako oo, kasi nangyari sa akin yun, nainlove ako sa isang tao unang kita ko pa lang sakanya.
Siya si Vince Caden Cucuci.
Kalilipat lang nila noon sa lugar namin, grade 2 ako noon. Nasa harapan siya ng gate nila nung una ko siyang makita, dun palang nagustuhan ko na siya.
Ang gwapo gwapo niya kasi.
Inalok siya ng mga kalaro kong lalake na maglaro at pumayag naman siya. Simula noon lagi kona siyang nakakasamang maglaro.
Inaasar pa nga kami na bagay daw kami, at heto naman ako at kinikilig.
Naging close kami sa isa't isa, lagi kaming magkasama. Kahit nga sa bakasyon ayaw parin naming maghiwalay. Hindi na nga kami nagbabakasyon sa ibang lugar para mas maraming oras kaming makapaglaro, kapag kasi may pasok hindi kami nakakapaglaro ng matagal dahil kailangan pa naming gumawa ng mga schoolworks.
Study hard kahit bata pa. Haha!
Anyway, dun tayo sa bakasyon, ayun nga kapag bakasyon lagi kaming magkasama. Gumawa pa nga kami ng tambayan tawag namin dun small house para siyang kubo, pinagtagpi-tagpi namin yung mga binili naming yero sa junkshop, tsaka humingi ng kahoy sa tabing bahay. Ang galing nga e, kasi kami lang dalawa ni Vince yung gumawa nun to think na eight years old palang kami.
Sobrang saya na sana ng childhood life ko dahil wala na akong mahihiling pa. Sobrang saya ko na lagi kong kasama si Vince.
Kaso noong naging grade 5 kami lumipat sila ng bahay.
Hindi nga ako nakapagpaalam sakanya kasi binawalan akong lumabas nun ni Mama dahil sa binubulutong ako.
Malungkot ako kasi kahit sandaling moment lang with him bago siya umalis ay hindi nangyari dahil nga sa hindi ako pinayagan ni Mama. Kahit minuto lang sana, kahit pagpapaalam lang sana sa isa't isa, yun lang. Pero hindi pa pinayagang mangyari ng tadhana.
Pagkatapos ng dalawang taon na pagkawala niya, bumalik siya noong first year high-school kami.
Kaso, nagbago na ang lahat.