"Saan mo bako dadalhin?"
Nakakainis naman kasi ea, kanina pa ko hinihila netong si Eduard. Ang sakit kaya sa kamay.
"Sa langit. Hahahaha—joke. "
"Saan nga kasi? "
"Kahit saan. Saan mo ba gusto? "
"Sa langit .hahaha..."
Gantihan lang brad.
Pero wait teka–nakaka green yun ah!
Andito kami ngayon ni Eduard nakaupo sa isang bench dito sa Mall at nagpapahinga, nakakpagod kasi kanina pa kami naglalaro. Basketball, Videogames at kung ano–ano pa.
Binigay niya pa nga saken yung teddy bear na napanalunan niya kanina.
Grabe...kahit pala puno ng kayabangan netong si Eduard ea masarap rin pala siyang kasama.
Thanks to him ,dahil sakanya nakalimutan kong may kasama pala kaming nagpapasakit ng puso ko.
"Uiy! Natulala ka na diyan. Alam kong gwapo ako pero sana hindi mo na pinapahalatang naattract ka saakin. Medyo nahihiya pa kasi ako ea, hindi ako sanay. "
Speaking of kayabangan. Nagsisimula na naman po siya.
"Alam mo... "
"Hmmmm?"
"ANG KAPAL MO! "
"Cute naman. "
"Ewan ko sayo. "
Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Di niya ba nakikita na may nakakarinig sakanya?
"Uiy! Diba cute naman ako. "
"PST!"
"Era."
"ANO B—"
Gulp.
Ang lapit niya saken.
Oh My. Ambango bango niya.
Gusto ko ng makaalis sa posisyon namin ngayon, pero ewan ko ba sa katawan kong to at hindi magawang gumalaw.
"Pwede po papicture. "
Thank you. Thank you. Thank you.
Napaiwas kami sa isa't isa nang may bigla kumalabit samin.
"Ha?"
"Pwede po bang papicture sainyo?, kasi po ang cute cute niyo pong couple. Sana po maging ganyan rin kami nung crush ko someday. "
"Ahhh... Miss hin—"
"Sige na po please..."
"Pero—"
"Sige na Era. Pagbigyan na natin siya."
Nag–iisip ba siya?
Kasi parang hindi ea.
Bakit siya pumayag?
"Yehey!pwede po bang ihug niyo isa't isa para sweet? "
Wish niya.
Naku naman.
Nabigla ako ng bigla akong inakbayan ni Eduard,at ang alam ko nalang ea biglang nagflash yung kamera.
"Tignan niyo po ang cute. Nakatingin pa po si Ate kay kuya. Inlove na inlove yung dating. Thank you po. "
Nakakahiya. Nakakahiya talaga.
Pano ba naman?
Habang nakaabay siya saken ako naman nakatingin sakanya.
Ea sa nagulat ako ea.
Oh lupa lamunin mo nako.!