Chapter 4

505 20 0
                                    

Nagkatexan pa kami ni Vince, madaling araw na nga kaming natulog e.

Yes, pumayag siyang maging textmate ko.

Alam niyo yung feeling na nanalo ka ng loto? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa text lang ay may communication kayo.

Yun nga lang ,hindi niya alam na ako si Era kasi ang alam niya ako si Ella. Si Ella na schoolmate niya at hindi si Era na kababata niya.

Nakakalungkot lang na kailangan ko pang magsinungaling para lang makakwentuhan siya. Pero okay narin yun, masaya na rin ako doon.

Kahit sa text lang kami nagkakausap at kahit na textmate niya lang ako.

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon