Ako na. Oh my gosh! Kinakabahan ako!
"Uy! Friend ikaw na!"
Natauhan naman ako nung biglang magsalita si Aya sa tabi ko.
Tumayo naman ako tsaka pumunta sa harapan habang hawak yung gitarang bigay saken ni tita.
Nagpabili din kasi ako noon ng gitara simula nang kumanta si Vince sa harapan ng bahay.
Nagpa–enroll nga siya sa guitar school tapos tinuturuan niya ako ng mga chords na natututuhan niya. Kaya sabay kaming tumugtog noon.
"Ms. Garcia! Ano ba?"
Hala. Galit na si Ma'am.
Sorry naman, masyado ko lang ninamnam ang masasayang alaala.
Sinimulan ko ng iistrum yung gitara ko. At bago ko pa maibuka ang bibig ko ay bigla nalang inilabas ni Vince yung cellphone niya atsaka tumayo at pinuntahan si Renz bago pumunta sa likod habang nakalagay sa tenga niya iyong cellphone niya-baka may tumawag.
Sayang naman mukhang hindi niya ko maririnig kumanta. Pinaghandaan kopa naman to para sakanya.
♪I'm gonna pick up the pieces,
And build a lego house
When things go wrong we can know it down
My three words have two meanings,
There's one thing on my mind
It's all for you ♪Para akong tangang nakatingin lang sakanya habang kumakanta.
Hindi ko na nga naramdaman na binivideohan pala ako ni Renz.
♪And it's dark in a cold December, but I've got ya to keep me warm
And if you're broken I'll mend ya and keep you sheltered from the storm that's raging on ♪At habang nakatingin sakanya parang tinutusok ng sampung milliong karayom yung puso ko sa nakikita ko.
♪I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I think I love you better now♪Nakangiti siya.
Nakangiti siya habang may kausap sa phone.
♪I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done I think I love you better now♪Habang kumakanta napapaisip ako kung sino kaya ang kausap niya at napapangiti siya ng ganun.
Parang kailan lang ng ako yung dahilan kung bakit siya ngumingiti ng ganyan.
♪I'm gonna paint you by numbers
And colour you in
If things go right —♪"Wow! Naiyak si Era oh! Masyadong dinamdam yung kanta!"
Napahinto ako sa pagkanta dahil sa sinabing yun ng kaklase ko.
At doon ko lang narealize na may tumutulo na palang tubig mula sa mata ko.
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatakbo nalang dahil sa kahihiyan.