Nakakalungkot na wala na siya.
Sobrang bait niya, kahit minsan na kinainisan ko siya dahil sa inakala kong inagaw niya saken si Vince noon natanggal yon agad dahil sa sobrang kabaitan niya.
Yes, I guese your guess is right.
Wala na si Jelica, patay na siya. Sinabi ni Vince na namatay siya dahil sa pambubugbog sakanya ng Tatay niya.
Iyak lang ng iyak si Vince noong pinapasok ko siya dito sa bahay.
Sobrang naaawa ako sakanya, hindi ko pa siya nakitang umiyak ng ganito .
Siguro nga ganun talaga ang nagagawa ng love.
"Mahal na mahal ko siya."
Yan lang ang lagi niyang sinasabi habang umiiyak.
Niyakap ko naman siya at hinagod hagod ang likod niya.
Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon, alam kong nasasaktan siya dahil wala na yung taong nagpapasaya sakanya.
I think my bestfriend's need me.