"Whaat!? Bakit dito yan mag-aaral? Ea hindi patatahimikin ng mga pang-aasar niyan ang buhay ko!"
Pano ba naman ? Ea bigla bigla na lang nagtransfer dito sa school namin tong Eduard na to.
Pano na ang buhay ko?
Haynaku alam kong hindi nito patatahimikin ang buhay ko.
Hays!
"Chilax brad. Hwag high blood. di mo naman ako kaklase."
"Buti naman."
"Joke."
"Ha?!"
"Classmate kita. Kaya humanda kana."
Haynaku!...
Pano na ko?
"Uiy! Alam mo ba to?. "
Tango tango lang ako.
Andito kami ngayon sa classroom at katabi ko tong Eduard na to.
Nakakainis.alam niyo kung bakit?
Pinaalis lang naman ng Eduard na to ang bestfriend ko dahil sa gusto niya sa pwesto kung saan nakaupo si Aya.
"Pansagot mo ko. Di ko alam yun ea. "
"Ano ka siniswerte?"
"Lilibre kita."
"Sige. Libre mo ko mamaya ha?. "
"Oo na."
May nagagawa rin palang maganda ang katamaran ni Eduard sa pagsagot.
Alam ko namang matalino siya pero tamad lang talaga siya.
..
Recess
"Jelica anong Gusto mo? Ako ng oorder. "
Hayy... akala ko ba happy happy ako ngayon kasi malilibre ako, pero mukhang hindi.
Kasi naman kasama na naman namin tong lovebirds na to.
Buti andito si Eduard para alisin ang atensyon ko sakanila.pang-asar nga lang.
"Era anong gusto mo?"
"Spaghetti na lang."
"Order ka."
"Arggg!!!"
"Hahaha!! "
Tingnan mo tong Eduard na to?
Tatawa tawa pa.
Kainis.
"Uwi nako."
Sabi ni Jelica.
Syempre kanino pa kundi sa Vince niya.
Tapos tumalikod na siya, pero bigla siyang hinila ni Vince saka sinabing...
"Kiss ko."
Napatalikod na lang ako bigla dahil alam ko na ang mangyayari.
Sure naman kasi na maghahalikan yung dalawa. Napapaiyak na nga lang ako kapag naiisip ko kung gaano kasaya si Vince sa tuwing hinahalikan siya ni Jelica.
Nagbigla naman ako ng may biglang humila saken.
"E-Eduard a-ano ba?"
Nakahawak kasi siya sa kamay ko habang as usual hinihila ako.
"Libre kitang ice cream."
"Pero si Vince-"
"Hayaan mo na yun. Busy siya sa pakikipaghalikan."
Oo nga pala busy siya sa Jelica niya.
Thanks to Eduard na rin dahil sa paghila niya saken kasi kung hindi niya ko hinila baka nag-iiyak nako dun sa harapan nila.
May nagagawa rin palang mabuting tong si Eduard kahit minsan puro siya kalokohan.