chapter 29

313 8 0
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at may boyfriend nako ngayon.

Yup.! Pumayag ako na maging kami ni Eduard.

Wala namang mawawala diba? —No. May mawawala pala. Yung feelings ko para kay Vince. Yun yung mawawala sabi ni Eduard kapag naging kami.

Sana. Sana magawa niyang alisin tong nararandaman ko para sakanya. Sana lang.

"Babes!"

Nabigla naman ako nang may biglang magsalita mula sa likod ko. At pagtingin ko ea si Eduard agad ang nakita ko.

Babes? Shemay! Ang bantot ng naisip niyang endearment.

"Babes ka diyan? Mukha mo! Akala ko bang aalisin mo yung feelings ko para kay Vince?.Pinapaalala mo lang siya saken.  Ea yan kaya yung tawagan nila ng pinsan mo."

Nakakainis siya. Alam niyo yun?

Di talaga nag–iisip.

"Sorry na ... "—Eduard. Sabay akbay saken.Tinanggal ko naman. Ano siya? Chansing?

"Isip nalang tayo ng bagong endearment."

"Okay. nice idea. Tara punta tayong mall para makasagap ng Endearment."

Nakangiti kong sabi sakanya.

Ngayon lang to wag siyang mag–alala.

"Okay."

Then we walk as he intertwined his hand to mine.

.

.

.

Here we are at the mall.

Diba nga sasagap kami ng endearment?

Nakaupo kami sa isa sa mga bench dito sa mall habang tumitingin ng couples at makikinig sa mga usapan nila .

Malay mo may maganda silang endearment.? Pakopya muna.

Sabay naman kaming napatingin ni Eduard nang may biglang dumaan na couple, kaso mukhang magkagalit pa ata sila kasi ambilis maglakad ni boy tapos hinahabol pa siya ni girl.

"Cupcake. Wait!"

"Iwww... masyadong malagkit yung endearment na yun.Ayoko. "

Hindi pa man natatanong Eduard kung okay ba, pero agad nakong sumagot.

Like duh? Naiimagine ko palang na tinatawag kong 'cupcake' si Eduard nandidiri nako.

"Okay."

Yan lang tanging sinagot niya at binaling uli yung tingin sa daan.

"Bah!"

Nagkatinginan kami niyan ni Eduard nang may biglang sumigaw.

"Ayaw ko niyan. Tawagan na kaya yan ni Lance at Miyuki sa Sadist Lover. (Sadist lover fan here *kaway —kaway*)Ayaw ko yan. Hwag yan."

This time siya naman yung nag–ayaw dun sa endearment.

Okay. Turn on ako dun.

Nagbabasa siya ng love story.?

.

.

.

Napagdesisyunan na naming umuwi dahil wala naman kaming nakuhang endearment mula sa Mall.

"Hayy... "

Sabay pa kami niyang bumuntong hininga ni Eduard.

"Wala pa tayong endearment."—ako.

"Girlfriend/Boyfriend? Honey? Mahal? Love? Wala ka ba talagang gusto sa mga yun."

"Ea wala ng—"

*miaw*

Napatigil naman ako sa pagsasalita at natigil kami sa paglalakad ng makarinig ng pusa.Then we saw, a baby cat.

"Ang cutttteeeee!!!!"

Sabi ko tapos bigla ko siyang pinulot.

Like na like ko kasi yung mga cat.

Ang cute cute kasi nila.

"Uuwi ko nalang to samin."

"O–okay."

Sabi ni Eduard.

Bakit parang medyo ang layo niya saken?

Habang naglalakad kami ea napapansin kong medyo napapatingin tingin siya sa pusa.

*light bulb*

Mwahahhahahaha!!!

Habang nakatingin siya sa daan. Pinatong ko sakanyang balikat si cat.

Napatingin naman siya at biglang nanlaki yung mga mata tapos nagtatalon tsaka pinagpapalo si pusa.

"Hahahaha...hahahahahahahahahaha. takot sa pusa. Cat!Cat! Cat! Miaw!."

Panunukso ko sakanya.

Hahaha...takot pala siya sa pusa ?

"Heh! Tumigil ka nga."

"Cat! Cat! Cat." Pang–aasar ko sakanya.

"Aray!"—ako.

Pano ba naman? Bigla siyang tumigil sa paglalakad nabangga tuloy ako sa likod niya.

Humarap siya saken ng may kumikinang na mata at pagkalawak lawak na ngiti .

Tignan mo to. Kala mo di nakatama.

"Alam ko na!"

"Ha?"

Di ko siya gets.

"Cat! Cat nalang tawagan natin."

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon