"Cat dali!"
Sigaw ni Eduard.
Kanina pa kasi siya naghihintay saken.
Ea sa nagpapaganda ako ng bongga, ang dami kayang magaganda sa pupuntahan namin noh?
Pagkababa ko, ayun nakita ko na naman ang signature pose niya.
Nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
Pupunta kami ngayon sa Carnaval .
Ano ang carnaval?. Sa mga hindi nakakaalam, ang Carnaval ay pinaliit na version ng Enchanted Kingdom.
Dito sa lugar namin mayroong Carnaval sa tuwing fiesta.
Oo fiesta ngayon saamin kaya mamamasyal kami ni Eduard ngayon.
"San mo gustong sumakay?"
"Horror train."
Pumunta na nga kami sa Horror train dahil yun yung sinabi ko(sa tinanong niya ko ea).
Pagkasakay namin agad akong pumulupot sakanya (hindi to chansing! takot lang ako! TAKOT. )
Nung umaandar na yung train papunta doon sa may mga multo ea inakbayan naman ako ni Eduard.(okay so... parehas na kaming nanyan–sing sa isa't isa.Haha!)
"Ahhhh... "
Napasigaw ako dahil sa may biglang kumalabit sa akin.
"AHHHH!!"
Mas napalakas na yung sigaw ko dahil may nangalabit na naman saken.
Pero this time hindi lang basta kalabit, kundi may kasama ng pancha–chansing.
Dahil sa likod ko niya ako kinalabit,medyo malapit sa may b**bs ko. Hindi siguro nakita ni Eduard yun dahil wala naman siyang ginagawa.
Hinigpitan ko nalang ang kapit ko sakanya para mahalata niya .
Pero waley! hindi niya napansin.
Gusto ko ng isigaw sakanya na 'HOY!EDUARD LACSA! YUNG GIRLFRIEND MO MINAMANYAK NA DITO!' Kaso lang hindi ko magawa dahil nakahawak na naman saken yung taong nananakot.
Nakaramdam naman ako ng relief nang makababa na kami sa Horror Train na yun. Pero pagkababa namin doon... WALA ANG BOYFRIEND KO.
Nasaan na yun?
After 4295629252916 years.
Bumalik na rin siya.
Bumalik siya na may gulo–gulong buhok at damit.
"Saan ka galing? Bat ganyan itsura mo?"—Ako.
"Sinuntok ko lang yung lalaking nambastos sayo kanina..."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Ea alam niya pala, bat hindi niya ko pinagtanggol? Hmmp!
"...Kala mo siguro hindi ko napansin noh?.Kumukuha lang ng tiyempo yung boyfriend mo. Matalino ata to."
Pagmamayabang niya.
At ako? Edi Wow nalang sakanya.
Nag–iisip pala siya, may pa tiyempo tiyempo pa siyang nalalaman.
But still,ang sweet ng boyfriend ko.
.
.
.
Pagkahatid niya saken sa bahay, nasa harapan na ng bahay si Papa.
Kaya napagdesisyonan kong gawin na ang stage sa isang relasyon na pinaka kinatatakutan ng lahat.
Ang 'MEET THE PARENTS STAGE'
Hinila ko na siya papunta kay Papa.
"Cat... "
Sabi niya na parang kinakabahan pa.
Hahaha ,kahit pala si Eduard na mayabang ea kinakabahan din sa ganitong stage.
"Hwag kang mag–alala mabait naman si Papa. One fourth lang naman mawawala sa buhay mo."
Bulong ko sakanya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya dahil namula siya.
"Pa—"
"Sino yan?"
"Boyfriend ko po 'Pa si Eduard—"
"Papasukin mo siya sa loob."
Hindi na ko pinatapos ni Papa sa pagsasalita at bigla nalang siyang nagsalita ng may matang nanlilisik.
Scary...