Chapter 35

325 8 0
                                    

Ako yung tipo ng babae na handang maghintay kahit forever, pero hindi ako yung gumagawa ng move para sa isang lalaki.

Dalagang Filipina ako ea.

Pero sabi nga nila 'kapag nagmahal ka hindi mo na maiisip kahit anong kahihiyan, basta mapasaya mo siya'.

Siguro nagtataka kayo kung ba't nagdadrama ako dito noh?

Well, ipapahiya ko lang naman ang sarili ko sa harap ng maraming tao mamaya dahil ipapahayag ko na ang nararamdaman ko sakanya sasabihin ko na, na mahal ko siya.

Kaya heto nagpeprepare ako .

Thanks God dahil nasakto na may event sa school.

Valentine kasi ngayon kaya may iba't ibang booth sa school like: wedding Booth, photo Booth at marami pang iba.

Pero ako sa 'Love lock Booth' ko ipapahayag ang nararamdaman ko kay Eduard.

Ano ang Love Lock Booth?Well, heto yung booth na kailangan mong bumili ng padlock.Sa mismong teacher mo dahil may heart shape yun, dun ilalagay yung pangalan nung mag–lalove lock.

So heto nga yung plano.

Dadalhin ko siya dun at magpapadlock kami. Pero habang nilalock namin yung padlock ea bigla ko siyang kakantahan habang nakamic.

Ayun, pagkatapos kong kumanta magmemesage ako ng mabagbagdamdaming mensahe sakanya. In the end sasabihin kong I love you.

Well,Alam ko namang hindi yun masyadong romantic. (Okay lang naman dahil hindi rin naman romantic si Eduard)

BTW. Heto ako ngayon hinihintay siya sa classroom.

Actually kanina ko pa nga siya hinihintay ea.

"Girl!!!"

Sigaw ni Aya mula sa labas ng classroom.

Ewan ko ba at ang lakas ata niya sa mga school staff dahil labas pasok lang siya dito (school Muse dati e).

"Sigaw sigaw ka diyan. Bakit?"

"HINDI PAPASOK SI EDUARD!"

"WHAT!?..."

"Pano na yung pagcoconfess ko?"–ako.

Maluha luha na ko niyan ha!.

Pano ba naman kasi.. sayang yung effort ko. Badtrip!

"Ehhh!!! sorry talaga friend. Tinext ko kasi si Renz. Ang sabi niya hindi daw makakapasok ngayon si Eduard .Emergency lang."

Hayy... wala na nga ata akong magagawa.

"Cge dun muna ko."–ako.

.

.

.

Andito ako ngayon nakaupo sa isa sa mga bench dito sa school,pinpanood yung mga sweet couples na naglolock sa mga padlock nila.

Ako? Heto EDI WOW nalang sakanila.

Bitter ako ea.

"Ano ba at—"

Napahinto ako sa kabitteran ko dahil sa may humigit nalang basta saken, at napahinto ako sa pagsigaw sa humigit saken dahil bigla nalang niya akong inabutan nung padlock dun sa Love lock Booth.

"Sorry kung nakapagsinungaling ako ha.? Papasok naman talaga ako kaso nalate dahil pinilit ko pa talaga yung teacher na bigyan ako ng padlock.Tanga yung teacher na yun ayaw na kong bigyan ea ang dami dami pa."

"Ahhhhh!!!"

Napasigaw nalang ako out of frustration. Pano ba naman kasi ako dapat yung gagawa nito ea.

"Uiy Cat! Napano ka?"

"Nakakainis ka! Nakakainis ka."

Sabi ko habang pinapalo palo ko siya sa dibdib ,nakakainis naman kasi talaga.

"Ikaw na nga tong pinapakilig ,ako pa nakakainis ,alam mo hindi talaga kita maintindihan."

"Ako *sniff* dapat yung *sniff* gagawa niyan sayo ea ."

"Ha?"–eduard.

"EDUARD LACSA ! I LOVE YOU!"

"Hahahahahahahahahahah....."

Alam niyo yung nakakainis ? Si Eduard yun.

Sinigaw ko na nga sa lahat na mahal ko siya tapos tatawa–tawa pa siya?

Diba dapat kikiligin siya ?

Ewan ko ba kung bakit ko minahal to ea ang abnoy naman Niya.

"Tinatawa tawa mo?!"

"Hahaha,ngayon mo pa talaga inamin .Alam ko na yan ,ramdam ko na yan matagal na .Hwag kang mag–alala mahal din kita."–Eduard .

Sabay kiss sa noo ko .

Alam niyo yung kinikilig?

Ako yun . Ang swerte swerte ko talaga sa boyfriend ko .

Thank you Lord dahil binigay mo siya saken.

.

.

.

Andito ako ngayon sa CR at nagreretouch .Nagpapaganda ako kasi magdedate kami ngayon ni Eduard .

Diba nga Valentine's Day ngayon .

"Huhuhuhu*sniff*huhuhuhuhu*sniff*"

Habang nagpapaganda ako dito ea may biglang pumasok sa CR na umiiyak .

And guest who ?

Si Jelica .

"Jelica,Okay ka lang? bakit ka umiiyak?"–ako.

Nagulat naman siya dahil Hindi niya Yata alam na  may tao .

"E–era."

"Bakit ka umiiyak,ayos ka lang?"

Napansin ko parang binaliktad ko lang yung sinabi ko nung una .

"Ah ,oo okay lang ako wala to ,hwag mo na kong intindihin ."–Jelica.

"Pero–"

"Sige umuna kana dun .Hinihintay kana ni Eduard sa labas ."

"Okay ka lang talaga?"

Tanong ko .

Tumango naman siya kaya iniwan ko na siya .

May problema ba siya ?

Nung una nakita ko siyang nagsusuka.

Ngayon naman umiiyak.

Hayyy...Ano bang problema niya?

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon