"Nakakainis ka Era! Nakakahiya ka!" sabay sabunot ko sa buhok ko.
Andito ako ngayon sa likod ng school namin at inis na inis sa sarili ko dahil sa biglaang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Actually hindi lang ako naiinis sa sarili ko e. Naiinis din ako sa bwisit na Vince na yun. Kung hindi siya nagpakita saakin na may kausap siya sa phone at sobrang saya edi sana hindi ako umiiyak ngayon.
"Oo nga! Nakakainis ka rin Vince!"
Sabi ko sabay bato ng pinakamalapit na bato na makikita ko habang iyak parin ng iyak."Bakit naman?"
Nabigla ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran ko.
Si Vince.
"Bakit ka naman naiinis saakin?"
Speechless.
Yan ang maidedescribe sa sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako dito o nagha-hallucinate.
"Uy!"
"H-ha?"
"Ang sabi ko bakit ka naiinis saakin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawa sayo."
Wala? Oo wala talaga!
Kahit ang pagpansin saakin ay hindi mo ginawa!
Pinigilan ko naman ang sarili ko e. Promise, pinigilan ko talaga.
Kaso hindi ko talaga mapigilanp.
"Wala? Wala kang ginawa ha? Iniwan mo ako! Tapos pagbalik mo ni 'ha' ni 'ho' wala ka man lang sinabi! Nagpakadesperada pa ako at nagpanggap na ibang tao para lang makatext ka! Para lang mapansin mo!"
Sabay takbo ko.
Nakakainis ka talaga Era. Hindi ka na nakuntentong ipahiya ang sarili mo ng isang beses.
Dinalawa mo pa.