Chapter 7

435 12 0
                                    

Alam mo yung nakakainis?

Yun yung load ko!

Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung sino yung taong kinainlove-an niya. Pero malakas talaga ang kutob ko na ako yun. Pero naiisip ko rin na hindi dapat mag-assume kasi baka hindi ako yun, tapos nagfeeling ako hindi naman pala talaga ako edi masasaktan lang ako.

*Ting*

Uy!

Heto nanaman siya at nagpaparamdam.

Ako: bakit?

Vince: wala lang. Namiss lang kita.

Ano daw? Namiss niya ko?

Kinikilig ako!

Ako:weh?

Syempre pakipot muna daw ako. Haha!

Vince:Oo totoo, promise.

Ako rin miss na kita.

Miss kona si Vince na bestfriend ko.

Ako: okay cge, kunwari naniniwala na ako.

Vince: hahaha, cge meron akong tatlong joke.

Wow!

Parang dati lang lagi siyang nagjojoke sa tuwing malungkot ako.

Ako: ano?

Vince: joke! Joke! Joke!

Nakakatuwa naman na hanggang ngayon hindi niya parin nakakalimutan yung joke na narinig namin sa radyo.

Ako: Ha? ano? Diko gets.

Kunwari lang diko gets.

Parang katulad lang nung mga bata kami sa tuwing sinasabi niya yung joke na yan lagi kong sinasabi na diko gets pero ang totoo nakuha ko naman.

Vince:Alam mo, para kang siya.

Yun nanaman bang babae na kinainlove-an niya nung eight years old siya?

Ayoko nang pag-usapan yun, at baka hindi nanaman ako makatulog.

Ako: Sige goodnight na. Tutulog nako.

Ayoko na kasi talagang pag-usapan iyon.

Vince: Huwag muna. Ang aga aga pa e.

Okay. Basta huwag mo ng ioopen yung topic tungkol sa childhood sweetheart mo.

*Ting*

Vince: Huwag muna please, kailangan ko talaga ng makakausap ngayon. Malungkot ako.

Ako:Bakit? Anong nagyari?

Vince: kasi ano e.





Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon