Chapter 6

446 14 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang hawak hawak ang cellphone ko.

Pinag-iisipan ko kasi kung tatanungin ko ba kay Vince kung kaano-ano niya ba yung babae kanina sa canteen.

*Ting*

Hello kumusta?

Si Vince.

Nagtext siya.

Ako: heto malungkot.

Vince: bakit?

Ikaw kasi e, may kasama kang babae kanina at nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan.

Ako: Basta, secret lang yun. Tapos na yung school year. Bakasyon na. Share ko lang! Haha!

Iniba ko nalang yung topic baka kasi masabi ko pa sakanya na nagseselos ako.

*ting*

Ayan na.

Nagreply na siya.

Vince: Ako hindi.

Ha? Bakit? Diba dati gustong-gusto niya ang bakasyon?

Nag-iba naba talaga siya?

*ting*

Vince: Alam mo kasi kapag bakasyon. Lagi kong nakikita yung taong gustong-gusto kong kalimutan.

Sino?

Ako: Bakit gusto  mo siyang  kalimutan?

Vince: Maniniwala kaba kung sasabihin ko sayong nainlove na ako sa edad na eight?

Oo naman. Kasi ganung edad ako nainlove sayo e.

Ako: Oo naman.

Vince: Wow first time!

Ako: Ha? Anong first time?

Vince:First time na may naniwala saken na nainlove na ako nung eight years old.

Inlove din pala siya nung mga bata pa kami. Per kanino naman kaya?

Ako: Nangyari rin kasi saakin yun. Parehas na parehas pa nga tayo ng edad na nainlove e. Kaso hindi niya nako pinapansin ngayon di tulad nang dati.

Vince: Baliktad naman pala tayo, kasi ako, ako yung umiwas.

Ako: Bakit?

Vince: Kasi nung araw na lumipat kami ng bahay ni hindi man lang siya nagpaalam saakin, sinabi ko sakanya na pumunta siya sa tambayan namin, hinintay ko siya doon pero hindi siya dumating. Nagalit? Nagtampo?
Hindi ko alam kung ano bang naramdaman ko nung mga panahong yun. 

Biglang nanikip ang dibdib ko sa text niyang iyon.

Ako yung batang hindi nagpaalam sakanya  nung oras na aalis siya.

Mahal niya rin kaya ako noon pa?

Pero ayokong mag-assume.

Baka naman iba yun?

Ako: Anong pangalan niya?



Sending failed...

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon