Alam mo yung nakakainis?
Si Renz yun, isa sa mga kalaro ko na kalaro din ni Vince nung mga bata pa kami.
Pano ba naman, akala ko si Vince na yung nagtext, akala ko nasa Baguio rin siya, akala ko we are breathing the same air na. Pero akala ko lang pala, kasi yung nagtext ay si Renz lang pala.
ako: San sa Baguio?
Maitext na nga lang. Wala rin naman akong ginagawa e.
Hindi pa kasi nagtetext Vince mula pa kaninang umaga.
Ano kaya nangyari dun?
*ting*
Renz: Bakit?nainggit ka no? Haha!
Ako:Bakit ako maiingit kung nasa Baguio rin ako?
Renz:weee?
Ako: oo nga.
Renz: kita tayo? Sa mall?
Ako: Sige.
Pumayag na ako dahil wala rin naman akong ginagawa.
~**~
Nagbabyahe kami ngayon ni tita.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko siya kasama no?
Kasi daw hindi ko pa daw kabisado ang Baguio tsaka lalaki daw kikitain ko.
Diba ang protective?
Protective pa kay Mama.
"Uy!"
Sigaw ni Renz.
Nandito na kasi kami sa Mall.
Pinuntahan naman namin si Renz tsaka ko pinakilala si tita.
"Tara. Kain muna tayo."
Yaya ni tita.
"Sandali lang po. Hintayin muna po natin kasama ko." sabi ni Renz.
May kasama siya?
Siguro yung girlfriend niya.
"Sino naman?"
"Ayan na pala siya e."
Naputol ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Renz na andyan na daw yung kasama niya.
At paglingon ko ay nabigla ako sa nakita ko.