"Anak ,labas kana diyan,kakain na tayo."
"Mauna na kayo Ma! Wala po akong gana."
Isang linggo na lagi nalang ganito ang eksena .Yayayain nila akong kumain ,tapos tatanggi ako kasi wala akong gana.
Totoo naman kasi ea,wala talaga akong gana.
Sino ba namang gaganahang kumain kung yung boyfriend mong mahal na mahal mo,wala kang balita tungkol sakanya.Pagkatapos ko kasi siyang puntahan sa kanila tinawagan ko siya,pero lagi namang operator ang sumasagot sa mga tawag ko,imemessage ko sana siya sa fb kaso nakablock ako doon.
Halos ginamit ko na ata lahat ng social media sa mundo;facebook,tweeter,instagram,youtube,viber,wattpad o kahit google ginamit ko na pero wala,hindi ko siya nacontact.
Halos mabaliw na ko sa kakaisip kung nasan siya pero hindi ko naman alam.Pakiramdam ko ayaw niya na sakin at sobrang sakit ng thought na yon."May problema ba anak?kumusta na si Eduard,yung boyfriend mo?"
Ngumiti nalang ako bilang sagot.
Sa pagsasalita ni Mama,pakiramdam ko alam niyang may problema ako,at si Eduard yun.
Sa tagal ko na kasing pinakilala si Eduard sakanya ngayon niya lang kinamusta."Sige,baba ka nalang kung nagugutom ka."
"Opo."
*kring-kring*
Vince calling...
Buti nalang nandito si Vince,siya lang kasi ang napaglalabasan ko ng sama ng loob dahil busy si Aya.
"Hello."-ako.
"Era si Eduard!Aalis na!"-Vince.
"Bakit?-Ano?-Paano?"-ako.
I can't find my words.
"Basta.Mamaya ko nalang ipapaliwanag,maghanda ka na at susunduin kita,hahabulin natin siya."
"Ano ba-"
Hindi nako nakapagsalita,cause he ended the call.
Dali-dali nakong naghanda kanit hindi ko parin maintindihan ,
Aalis siya?San siya pupunta?After 15 minutes dumating na si Vince sa bahay namin kaya bumaba nako.
"San tayo pupunta?Bakit aalis si Eduard?Ano ba-"
"Woah!Relax Era,hwag masyadong maraming tanong."
"Vince naman ea!gulong-gulo nakp dito nagloloko kapa!"
Naiiyak na talaga ko.
Bakit ang tanga ko?
Bakit ngayon lang nagsink in sa utak ko?Hahabulin namin siya,hindi naman namin siya hahabulin kung sa malapit lang ang pupungahan niya at kung sandali lang siya dun.
Aalis na siya, iiwan niya na ko.
"Okay,aalis siya at pupuntang America,doon na siya for good.Bakit siya aalis?hindi ko alam.Basta yun lang ang alam ko,aalis siya."-Vince.
Wala na,bumagsak na talaga ang luha ko.Akala ko ba mahal niya ko?Bakit niya ko iiwan?
Patuloy parin ang pagbagsak ng luha ko hanggang sa makarating kami sa Airport.
"Era!uiy!akala ko bang mahal mo siya?Bakit tatanga-tanga kapa diyan?go to your future!"
Yes,tama nga sila.
Tama nga sila Vince at Aya.
Future ko nga siya.Kaya kailangan ko siyang habulin.Tumakbo ako papasok sa Airport .
Kailangan ko siyang maabutan.Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.May dalawang banner na nakasabit.'Will you marry me?' ang nakasulat sa isa,'After college' naman sa isa.
Wow ha!sa madramang moment kong ito ngayon,may romantic scene palang nagaganap sa airport.
Nilagpasan ko iyon dahil hindi ako interesado.Basta ang alam ko lang ay kailangan kong habulin si Eduard.
"Hindi mo ma naman ako papansinin?"
Napalingon ako dahil sa boses na yun.Kilala ko ang boses na yon.
Boses yun ni Eduard."Sa wakas,pinansin mo rin ako.Ano?marunong ka bang magbasa?kung oo,pakibasa yung dalawang banner."
Binasa ko yun,kahit sa totoo lang nabasa ko na kanina pa.
"Ano?mag-oo ka ha!?"-Eduard.
Tumango nalang ako.
I can't find words.
Alam ko lang ngayon ay sobrang saya ko at naiiyak na ko.Lumapit siya sa saken,sinuotan ako ng sing sing at niyakap.
Ganito pala kasarap ang yakap niya.Ang tagal kong hindi siya nayakap,kaya walang mapagsidlan ang saya ko ngayon."I love you."-Eduard.
"Teka,akala ko bang aalis ka?-"
"Ssssshhhhhh...."
Sabi niya tsaka nilagay yung hintuturo niya sa labi ko.
"Hayaan mo na yun.Ang importante ikaw.ako.tayo..."
"...kaya kapag sinabi konb I love you mag I love you too ka nalang okay?"
Hinalikan niya ko sa noo.
"I love you."
"I love-"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil hinalikan niya ko sa ilong.
"I love you."-Eduard.
Sa kaliwang pisngi.
"I love you."
Sa kanan.
"I love you."
at sa labi.
"I love you Era Garcia soon to be Lacsa."
Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at nakahawak sa pisngi ko."I love you too Eduard Lacsa,soon to be my husband."
End.