"Say ahhhh..."
"Ang sweet naman. "
Nakakabitter.
Sobrang nakakabitter.
Bakit?
Pano ba naman kasi,ang sweet sweet nung dalawang lovebirds.
Nagsusubuan pa.
Nakakainggit, Nakakaselos.
♪I'm falling even more inlove with you
Letting go of all I've held onto
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you ♪Outch!
Kabitteran number 2.
Another sakit na naman ang narararamdaman ko.
Pano ba naman kasi kinakantahan ni Vince yung Jelica niya.
Kabanas.!
"CR lang ako guys. "
"Samahan na kita. "
Hayyyy...heto na naman si Ms. Kabaitan.
Bakit ba kasi ang bait bait niya?
Hindi ko tuloy magawang mainis sakanya.
"Hwag na kaya ko naman. "
"Sure ka? "
Tumango nalang ako at nag–smile bilang sagot tsaka na dumiretso sa pintuan at binuksan yun.
Pagkadating ko sa CR ,napatingin ako sa sarili ko sa mirror.
Maganda naman ako.
Mabait rin naman ako gaya nung Jelica niya.
Bakit hindi niya ko magawang magustuhan?
"Bakit ka nandito? "
Ea pano ba naman. Pagkalabas ko ng CR naabutan ko si Eduard.
And take note. Ang gwapo niyang tignan.
Hindi naman sa nagtataksil ako kay Vince, pero kasi ang gwapo niya talaga.
Parang minomodel niya yung Comfort Room. Nakasandal siya habang yung dalawa niyang kamay ea nakapamulsa.
"Wala nakong kasama dun ea, iniwan na nila tayo. "
"Ha?"
"Tara. "
Sabay hila sa kamay ko.