"Aya anong gagawin ko? "
"Ewan ko sayo!Girl you choose that. You choose to stay with your bestfriend than your boyfriend.Kaya hwag mong itanong saakin kung anong gagawin mo noh!? "
Ako lang ba to o talagang parang galit magsalita si Aya?-Hayyy...Ewan? Masyado na ata akong napraning sa thought na iniwan ako ni Edward.
After niya kasi akong iniwan doon,naisip ko. Totoo naman na kailangan niya rin ako,masyado ko lang itinutok yung sarili ko sa thought na kailangan ako ni Vince kasi nawalan siya ng girlfriend, hindi ko naisip na dahil pala doon nawalan na rin siya ng girlfriend.
"Ano!? Natahimik ka na diyan!? Nakapagisip isip kana!? Kung hindi pa? Aba't -hindi ko na alam ang gagawin ko sayo."
Haynaku!Sino ba talagang bestfriend ni Aya dito!? Ako ba talaga o si Eduard?
Ang gulo ha!? At isa pa, nandito na naman siya sa school. Hayyy...connections nga naman .
Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit ko. Nasa school kasi kami at hindi pumasok si Eduard.Ewan ko kung iniwasan niya ba ako o ano?
"Go Girl! Come to your future!"
Sigaw ni Aya.
Come to your future? What the!
Tumakbo na ko palabas ng school. Buti nalang wala ang guard kaya nakalabas ako. Pumara nako ng tricycle at itinuro iyon papunta sa bahay ni Eduard.Kailangan ko na nga siyang makausap.
"Dito nalang po."
Dali dali akong bumaba sa tricycle, ayaw ko na kasi patagalin pa to.Gusto ko ng magka-ayos kami. Gusto ko nang bumalik sa dati, yung dating kami na masaya at walang problema.
*Ding-Dong*
"Si Eduard po? ."
Tanong ko agad pagkalabas na pagkalabas ng katilong nila.
"Hmmm ... Ma'am sorry po hindi ko po alam. "
"Bakit hindi mo alam? Wala ba siya diyan?"
Tanong ko pero nag-shrug lang siya.
Bakit hindi niya alam ea nasa loob rin naman siya ng bahay.?
Asan ba siya?
"Bakit di mo alam ea nandyan-"
"Sorry po talaga Ma'am."
And then she run away.
Tinataguan ba ko ni Eduard?
Hindi na ba maaayos to?
Wala na ba talaga?