Chapter 11

384 14 0
                                    

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang kasama ni Renz.

Si Vince.

"Uy Era! Tara na kain na tayo. Gutom na ako."

Bigla naman akong bumalik sa katauhan ko nang biglang nagsalita si Renz tsaka hinila ako sa braso.

Andito kami ngayon sa isang fast-food sa mall.

Favorite ko pa namang kainan to. Kaso hindi ako makakain ng maayos dahil nandito siya.

Tahimik lang kaming lahat habang kumakain nang biglang may babaeng lumapit saamin, maputi, maganda, naka short 'short sa pang ibaba tsaka naka tube naman sa pangitaas.

Umupo yung babae sa mesa sa pagitan namin ni Vince, magkatapat kasi kami. Tsaka siya may binigay na tissue sa loob ng damit ni Vince at umalis.

Kinuha naman ni Vince yung tissue tsaka binuksan dahi naka crumble ito.

"Pogi talaga!"

Sabi ni Renz habang nakatingin sa tissue na binuksan ni Vince.

"Baliw!" kibit balikat ni Vince.

"Di mo itetext? Akin na ako nalang." sabi ni Renz, wala namang paligoy-ligoy nabinigay ni Vince iyong papel sakanya.

Ngiting-ngiti naman itong si Renz. Napaka babaero talaga!

Buti hindi ganun si Vince ko. Ay, si Vince pala.

*kring!!!!! kring!!!!! *

Sound yan ng cellphone na tumutunog.

"Excuse. Sasagutin ko lang tong tawag."

Sabi ni tita tsaka umalis.

Pagkaalis ni tita bigla namang tumabi saken si Renz.

"Pwede dun ka muna sa tabi ni Vince?"

"Ha? B-bakit naman?"

Itatabi niya ko kay Vince? Baka himatayin naman ako nun? Pano naman yun diba?

"Sige na, darating kasi yung girlfriend ko para tabi kami."

Tatanggi pa sana ako kaso dumating si Tita.

"Era I'm going na, may meeting pa kong pupuntahan."

"Tita uuwi narin po-"

"Era naman, ngayon na lang tayo magbobonding aalis kapa agad? KJ naman nito." sabat naman ni Renz.

Kaya wala na nga agong nagawa at nagpaiwan kay Tita.

~**~

Nandito kami ngayong apat sa time zone.

Ako, Vince, Renz, at si Hazel na girlfriend ni Renz.

Nakaupo lang ako dito sa isa sa mga video games na walang naglalaro habang pinapanood yung dalawang magsyotang nilalanggam na sobrang kasweetan habang naglalaro dun sa may basketball.

Habang si Vince naman ay naglalaro ng video game dito sa tabi ko.

Nakakailang nga e. Di ako makahinga shemay!

"Hindi ka ba naiinip?"

Totoo ba ito? Kinakausap niya ko?

Tumingin naman ako sa likod ko. Baka kasi hindi naman pala ako yung kinakausap tapos bigla akong sasagot, edi pahiya naman daw ako nun.

Pero sa pagtingin ko wala naman akong nakitang ibang tao.

"M-medyo." sabi ko na nabubulol pa.

Bigla naman siyang tumayo at lumakad papalapit kila Renz tsaka parang may sinabi siya kay Renz.

Bigla namang tumingin saken si Renz at pinalapit sakanila kaya lumapit naman ako.

"Laro ka ng basketball para dika mainip."

"Ha? Hindi na."

"Sige na, ayan oh. Laban kayo ni Vince."

 

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon