*crook-crook*
Sound yan ng manok na tumitilaok. Haha!
Tumingin ako sa alarm clock ko at napabalikwas dahil sa nakita ko.
Hala! 11:00 na? Malalagot ako kay Tita nito!
Dali dali akong bumangon tsaka tumakbo sa banyo.
Haynako, malelate nako.
12:00 ako susunduin sa bahay.
Isang oras nalang hindi pa ako nakakapag-impake.
"Anak andyan na Tita mo!"
Sigaw ni Mama na nasa baba pagkatapos ng isang oras kong page-empake at orasyon sa banyo.
"Sandali lang po."
Sigaw ko naman pabalik.
Nagbibihis pa kasi ako.
Nakakainis kasi si Vince akala ko naman malungkot talaga siya e hindi naman pala. Nabobored lang pala siya.
Hindi parin pala talaga siya nagbabago. Siya parin pala yung makulit na Vince na kilala ko.
Habang binabalikan ko ang mga nangyari 11 hours ago, bigla namang pumasok sa kwarto ko si Mama habang nasa magkabila niyang bewang yung dalawa niyang kamay.
"Ano ba Era! Kanina pa naghihintay yung Tita mo!"
"Heto na nga po." sabi ko sabay tayo tsaka kinuha yung maleta.
Pagkababa ko naman, nakita ko si Tita na parang bored na bored na nakupo doon sa couch.
"Mabuti naman at nandyan kana. Tara na nga! Nako naman matatrafic na tayo nyan!" Sabi ni Tita tsaka tumayo at lumabas na.
Nagpaalam na ako kay Mama tsaka sinundan si Titang lumabas.
Katahimikan.
Sabi ko na nga ba mabobored lang ako e.
Hindi ko kasi ganun kaclose si Tita, ang sungit sungit niya kasi, ayoko ngang magbakasyon sa kanila e, pinilit lang ako ni Mama. Sa sobrang kasungitan nga niyan e hindi pa siya nagkakaboyfriend ever since, to think na 30 years old na siya.
"Buti pumayag kang sumama ngayon?Natatandaan ko pa noong bata ka halos nga binigay ko na lahat ng gusto mo pero ayaw mo pa ring sumama. Anong nakain mo at naisipan mong sumama?" nakataas na kilay na sabi ni Tita habang nagmamaneho.
"Wala lang po kasing magawa sa bahay, tsaka para makakita narin ng ibang lugar." malumanay kong sagot.
Nakakatakot pa rin talaga kasi si Tita e.
"Bakit di mo naisip yan noong bata kapa?"
Kasi noon may dahilan pa ako para magstay sa bahay tuwing bakasyon. Si Vince.
"Haha."
Pilit na tawa ko sabay kamot sa batok ko, medyo ilang pa kasi ako kay Tita.