Chapter 15

379 12 0
                                    

Girls                                    Boys
1

. Baarda, Hazel    1. Altamirano, Renz


2.Baez, Marry            2.Belgarde, Kiarro

3.Ciano, Cloe       3.Cucuci ,Vince Caden

4.Delos Reyes, Aya             4.Dellar, Zion

5.Farago, Jessa                  5.Eiford, Mark

6.Garcia, Era                 6.Illano, Jackson

7.Hacken, Mika                  7.Lozada, Sky

8.Jimenez, Neon            8.Lozada, Cloud

9.Lapilar ,Obrey            9.Obaya, Denise

10.Santos, Sherly     10.Pacala, Zackary

*kurap —kurap*

Totoo ba tong nakikita ko?

Sabihin niyo.

Sabihin niyong hindi totoo. Hindi totoo to diba?

Nanaginip lang ako diba?

"Hoy!"

"Ay palaka!"

"Ang gwapo ko namang palaka. Ano pang tinutunganga mo diyan? Pasok kana nga." sabi ng sobrang hangin na si Renz tsaka ako hinila papasok.

"Ayan tabi ka muna kay Hazel. Hanapin ko lang si Vince. Saan na naman kaya nagsuot iyon?" sabi ni Renz na iniwanan ako kasama ng girlfriend niya.

Naaalala niyo pa ba yung kasama namin sa Mall nun sa Baguio? Si Hazel iyon.

By the way, Klaklase ko rin pala si Aya. Asan na kaya yun?

"Uy friend! Classmate tayo!" speaking of Aya, andito na siya. Lumapit siya saakin at pinaalis si Hazel para makaupo sa tabi ko.

Ang bad! Lagot siya kay Renz nito!

"Uy, alam mo ba? Classmate natin si Vince." sabi ni Aya.

Alam ko, mas nauna ko pa ngang nakita pangalan niya kesa sa pangalan ko e.

"Okay class, get a paper and write your name." sabi ng teacher namin na kadadating lang.

After 30 minutes na paghihintay ea dumating rin siya.

Kumuha naman ng papel yung mga kaklase ko, syempre pati ako.

By the way,wala parin si Vince, pati si Renz. Asan na kaya siya-I mean sila?

"Okay pass your paper-" hindi na natapos ng teacher namin ang sasabihin niya dahil sa malakas na pagbukas ng pintuan.

"Ma'am sorry were late."

Speaking of pinag–uusapan. Andyan na siya.

"Okay since you two are late,
Ms. Garcia can you tell them what to do?" sabi nung teacher ko na pinatayo pa ako para ipaliwag sa dalawang late ang ipinapagawa niya.

Bakit di nalang kaya siya ang magsabi, ako ba ang teacher dito?

Syemay! Ang agang exposure naman nito.

Sinabi ko naman yung gagawin ng nabubulolo bulol pa, kahit ni hindi man nga siya tumitingin e.

After naming magsulat ng mga pangalan namin pinagtatawag lang niya yung mga pangalan tsaka kami inarranged ng upuan. Sayang nga at hindi kami magkatabi. By surname kasi yung pagkaka-arranged e.

Sayang talaga Bes!

"Okay class, your first practicum will be tomorrow." sabi ng teacher namin.

Nagreact naman agad yung mga kaklase ko. Sino ba namang hindi magrereact? First day na first day practicum agad!

"And that practicum will be called 'I am talented!' So you need to perform your talent here. That's for all for today, good day."

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon