Halos maglilimang buwan nang maging kami ni Eduard for real.As in FOR REAL.
Sa totoo lang, hindi ganun kadali ang naging relasyon namin.
Sa limang buwan na naging kami, hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nag–away.
Naalala ko pa nga noon yung una naming pag–aaway as a couple...
*Flashback*
Tumatakbo ako ngayon dito sa hallway ng mag–isa , as in MAG–ISA.
E pano ba naman kasi yung magaling kong boyfriend ea hindi ako sinundo.
Sasabihin niyang susunduin niya ko tapos ayun hindi dumating.
Malelate tuloy ako."Ahhhh—"
Huhuhu!!! Ang malas ko ata ngayong araw.
Bakit?kasi lang naman habang tumatakbo ako dahil nga sa malelate na ko. Ea bigla akong nabangga sa isang tao na sing tigas ng poste.
Kaya ayun, natumba ako. Ang saket kaya sa pwet nun. Tapos nalaglag pa yung mga dala kong gamit.
Haynaku... badtrip.
"Sorry Miss."
inangat ko yung ulo ko para makita kung sino yung nakabunggo saken at nang masigawan ko na sana siya.
Kaso pag–angat ko ng ulo ea naispeechless ako.
Si Vince Cucuci lang naman ang nakabunggo saken.
At pagtingin ko sakanya may nakonfirm ako sa sarili ko.
Hindi na nga talaga ako in love sakanya, in love na nga talaga ako kay Eduard.
"Uiy Era, Sorry "
Sabi niya at inilahad ang kamay niya para tulungan akong makatayo. Inabot ko naman iyon.
"Okay lang. Kaso late na ko ea:("
Hayyy...late na nga pala ako.
Ano kayang sasabihin kong palusot sa teacher ko?
"Tara?"—Vince.
"Saan?"
Hindi siya sumagot at hinila nalang ako basta.
.
.
.
Sa tinagal tagal ng paghila saken ni Vince dito kami napadpad.
Sa Park.
Nandito kami ngayon sa isang swing nakaupo habang kumakain ng ice cream.
Alam niya kasing favorite ko ito."Date natin to."
*Cough* *Cough*
Naubo naman ako nang bigla niyang sinabi yan out of nowhere.
"Ano ba pinagsasabi mo dyan?Nagtataksil kana ba kay Jelica?"—ako.
"Hahaha!!!..Namisunderstand mo naman ea. Ang ibig kong sabihin. Bestfriend date natin to."
Ahh... ganun pala.
"Hahaha!!Oo nga naman. Ang tagal rin nating hindi nakapagbonding noh?."—ako.
"Oo nga ea. I Miss you bestfriend."—Vince.
Sabay yakap saken.
"Namiss din kita."
Sabi ko at niyakap din siya pabalik.
Namiss ko talaga siya.
Para bang ngayon lang kami nagkita simula nung umalis siya nung mga bata pa kami.
Kasi simula nung dumating siya hindi na ko nakapagfocus sa pagiging bestfriend niya, masyado ko kasing finocus yung feelings ko para sakanya.
"Era! "
Napabitaw kami ni Vince sa pagkakayakap sa isa't isa nang may biglang sumigaw sa pangalan ko.
At pagtingin ko...
Si Eduard.
"Bakit wala ka sa school? nagcu–cutting ka?Bakit kasama mo si Vince?"—Eduard.
"Ahh pare—"—Vince.
Hindi na pinatapos ni Eduard si Vince at bigla nalang akong hinila.
.
.
.
Nasa bahay nako ngayon.
Kaninang hinila ako ni Eduard,hinatid niya lang ako dito, hindi niya nga ako kinakausap kanina habang naglalakad kami ea.
Tsk!tsk!tsk!Jealous Boyfriend.
Dahil nga sa nagseselos ang boyfriend ko, kanina ko pa siya tinatawagan para magsorry at iexplain sakanya lahat.
Kaso lang hindi niya sinasagot yung tawag ko, kaya nakapagdeside ako na puntahan siya.
Palabas nako ng bahay nang madatnan ko siya sa gate namin, kaya nilapitan ko siya.
"Eduard sorry—"
"Alam mo nagseselos ako. Hindi ko alam kung bakit kasama mo si Vince kanina. Pero kasi mahal kita ea, yan tuloy hindi kita matiis.Kaya sorry din kung hindi kita kinausap kanina."
Sabi niya sabay yakap saken at halik sa bumbunan ko.
Inexplain ko sakanya lahat, at ayun siya pa tong nagsorry saken para daw sa pagiging seloso niya.
*End of flashback*
Oh diba ang sweet ng boyfriend ko?
Sobrang swerte ko talaga sakanya at sobrang lakas ko talaga kay God.
Wish ko lang, sana siya na hanggang sa huli...