Chapter 41

296 9 0
                                    

Kinabukasan hindi na ako pumasok dahil pumunta kami sa burol ni Jelica, sinamahan ko si Vince dahil alam kong kailangan niya ko,baka kasi magbreak down siya kapag nakita niya si Jelica na nakaratay sa kabaong niya.

"Condolence."

Yan ang laging sinasabi ng mga taong nadadaanan namin.Sobrang nagpapasalamat ako sakanila dahil sa tuwing sasabihin nila yan ay gumagaan ang loob ko,siguro nararamdaman din yon ni Vince dahil diba nga sabi nila na kapag magbestfriend kayo halos parehas kayo sa lahat ng bagay,so I assume na parehas kami ng nararamdaman sa tuwing sasabihin ng tao ang salitang 'condolence'.

Pagdating namin sa memorial.Nakita ko si Eduard.Oo nga pala hindi ko pa siya nakakausap .Nakaupo siya sa isang sulok at parang puyat na puyat,siguro dahil sa pag–aasikaso sa mga taong dumadalaw.Hindi narin kasi maasikaso ng Nanay ni Jelica dahil iyak lang siya ng iyak .

Gusto kong puntahan si Eduard dahil sigurado akong nasasaktan din siya.Pinaka malapit niyang pinsan si Jelica kaya alam kong masakit din sakanya ang pagkawala ni niya,kaso lang si Vince—baka kasi bigla nalang siyang mag break down .

Napatingin siya sakin at nagtama ang mga mata namin , nakikita ko sa mata ni Eduard na sobrang kailangan niya ako sa panahon na to ngayon.

Kaya humakbang ako para sana puntahan siya nang may biglang humawak sa kamay ko .

"Dito ka lang , please." Vince said ,so I stay .

Sorry Eduardo mas kailangan ako ng kaibigan ko ngayon, mas kailangan ako ni Vince ngayon.

Textmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon