Ilang araw narin ang lumipas simula nang sinabi saken ni Eduard na gusto niya ko. At ang nakakapagtaka, hindi man lang ako umiwas o lumayo sakanya.
At ngayon Prom night na namin and take note! Partner ko si Eduard.
Nakakainis nga siya dahil hindi niya ko masusundo.
Kaya heto ako ngayon, nakasakay sa tricycle ni Papa at papunta na sa Venue ng J's Prom namin.
"Anak nandito na tayo."
Sabi ni Papa.
Bumaba na ko at kumiss kay Papa tsaka na pumasok sa loob ng venue.
Simple lang naman yung suot ko.
Naka blue dress Lang ako na medyo pabalon tsaka nakawhite heels, nakakulot din yung dulo ng buhok plus light make up lang. Di ko na naman kailangan magpaganda dahil maganda nako.
Chos!
Hindi ko na kailangang magpaganda dahil alam kong kahit anong pagpapaganda ang gawin ko ea si Jelica parin naman ang pinaka maganda para kay Vince.
"Uiy! Ganda ah!"
Napatingin naman ako nang biglang may magsalita mula sa likuran ko at mas lalo akong nagulat dahil ang gwapo niya.
Bagay na bagay niya ang suot niyang tuxedo plus ang buhok niyang naka brushed up. Ang gwapo niya. Para siyang professional ngayong araw.
"Oh Vince.! Nakita mo ba si Eduard? "
"Hinahanap ka rin niya kanina. Tara."
Sabay hila saken.
.
.
.
.
"Tara na kasi sayaw na tayo."
"Ayoko nga diba?"
Haynaku... ang kulit talaga ng Eduard na to sabi ko na ngang ayaw kong sumayaw ea ang kulit kulit.
Actually gusto ko na talagang sumayaw ea, naiinggit nga ako sa mga sumasayaw doon sa gitna lalo na dun sa dalawang lovebirds. Kaso hinihintay ko pa siyang ayain akong sumayaw, kaso lang mukhang busy pa siya sa Jelica niya.
"Ayaw mo talaga?"–Eduard.
"Ayaw"
"Bahala ka nga.!"
Hala!napikon na ata.
Nagwalk out.
.
.
.
Pumuti na ang mata ko ,pumuti na ang uwak, at pumuti na lahat ng dapat pumuti pero hindi parin niya ko sinasayaw at busy parin siya sa pagsayaw sa Jelica niya.
Habang nandito parin ako sa table namin at hinihintay siya ea pinapanood ko sila.
Ang sweet nilang tingnan. Perfect couple kung titingnan at sobrang sakit. Habang sumasayaw sila at nakatingin sa mata ng bawat isa nakikita mo talaga na mahal na mahal nila ang isa't isa.
Napaayos naman ako ng upo dahil tumigil na sila sa pagsayaw at lumakad ,akala ko pupunta na sila dito sa table namin pero lumabas sila.
So ganun? Hindi niya talaga ko isasayaw?
Sa sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko ea tumayo na ko at lumabas. Uuwi nalang ako.
At sa paglalakad ko,ang bwisit na katangahan ko ea nadapa pa ko.
Sa sobrang inis siguro napaluha nalang ako.
"Bwisit! Bwisit talaga! Bwisit na sahig to! Bwisit na Prom night na to! At bwisit na Vince yan! Ang tagal ko siyang hinintay isayaw ako. Tapos hindi niya man lang ako isin—"
"Sabi ko na nga ba ea."
Napatigil ako sa pagdadrama ko nang may biglang magsalita mula sa likuran ko. At pagtingin ko.
Si Eduard.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka kay Vince ea."
"Oo gusto ko siya! No scratch that —mahal ko siya! Mahal ko! Pero ang sakit kasi hindi niya ko mahal! Yang pinsan mo! Ngayon niya lang nakilala pero mahal niya na agad! Pero ako?! *sniff * Simula bata pa kilala niya na ko pero hindi niya nagawang mahalin! *sniff*Ang sakit! *sniff * Ang sakit sakit. "
Wala na kong pakealam kahit malaman niya na. Wala na rin akong pakealam kung ano pang gawin niya saken. Ipasalvage niya man ako o sabihin niya kay Vince ang nalaman niya.
Ang sakit kasi ea. Ang sakit sakit.
Pero imbes na makatanggap ng malakas na suntok mula sakanya. Bigla niya kong hinila at niyakap.
He's hug feels relief on me.
"Ayos lang yan. Sige iiyak mo lang yan. Alam kong masakit, pero kasi yun talaga yung nakatadhanang ea. Nakatadhana yata talaga tayong masaktan. Pero ang hindi ata kakayanin ang makita kang nasasaktan, sampung milyong beses ang sakit nun saken. Kaya please. Let me help you forget your feelings for him. Tayo nalang .promise magiging masaya ka at makakalimutan mo siya."