I'm Zai Solen 18 yrs old, anak ng Presidente at ng General. Ang ama ko ang namumuno bilang Presidente habang ang ina ko naman ay isang General. Maraming takot sa mga magulang ko dahil kilalang strikto at walang pinapakitang emosyon ang ama ko. Habang ang Ina ko naman ay isang magaling na General at isang business woman. Tinuturuan din ako ng mga magulang ko lalo na ni mama kung pano makipag laban at kung paano gumamit ng mga ibat-ibang armas. Si dad naman ay tinuturuan niya ko kung paano ang tamang pamamalakad ng isang companya or ng isang bansa. kaya halos lahat ng tao ang laki ng expectations sakin ng dahil sa mga magulang ko.
"Sino yan? ang ganda niya?"
" diko rin alam pero oo nga ang ganda niya"
"para siyang buhay na manika"
"mom look, she's beautiful, I wanna marry her when I grow up"
”mom, bilhin mo yung manikang naglalakad please”
Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad ako ngayon sa mall. I am pissed right now. Tas dumagdag pa tong mga taong tinitignan ako. like wtf. ngayon lang ba sila nakakita ng dyosang naglalakad na naka simangot. tsk! Nasa bahay lang sana ako ngayon at nagbabasa ng novel kung di lang ako pinasundo ni mama sa condo ko. Yes po. I'm living on my own, Ayaw ko tumira sa bahay namin, kung bahay paba ang tawag dun dahil sa sobrang laki pati siguro kaluluwa ko di ko mahagilap.
"Young lady andito na po tayo" sabi ng isang jejemon na nasa unahan ko. tumango lang ako sa kanya.
Binuksan niya ang pinto at tumambad sakin ang puros pink na mga gamit.Parang mas lalong lumala ang pag kairita ko sa mga bagay na nakikita ko.
Pink wall, pink ceiling, pink couch, pink table.as in lahat pink.Parang may idea nako kung kaninong office to.Iisang tao lang ang kilala kong obsess sa pink. Ang sakit sa mata tangna. aatras na sana ako kaso hinawakan ako ng dalawang jejemon sa balikat at pinasok sa pink room. wtf.pinipilit kong pumiglas at kumawala pero ang tibay ng mga ugok."Let.me.go." cold kong sabi. sempre kailangan kong mag panggap na cold para matakot sila sakin. pero punyemas di nila ako binitawan, kaya wala nakong nagawa at nagpahila na lang as if naman may laban ako sa 20 bodyguards na nakabantay sakin, diba? bwesit kasi bat kailangan madaming nagbabantay sakin, eh mabait naman ako. Pag tulog nga lang.
Pinaupo nila ako sa isang couch habang di sila umaalis sa tabi ko. Nakakairita talaga.
"What a wonderful day" sabi ng taong kakapasok lang sa pinto.
"Bakit andaming jejemon dito?" Sabi pa niya. habang nakatingin sa mga bodyguards ko.
" here we go again" bulong ko sa sarili ko habang prenting nakaupo at nakatingin sa kanya.
"Hoy ikaw! sumagot ka pag tinatanong ka!" galit na sigaw niya pa habang nakaturo sa isang statue.
Jusko naman lord mabait naman ako ah, pero bat ganitong pamilya ang ibinigay niyo sakin. Kung hindi demonyo at nakakatakot na mga magulang, sinto sinto naman na tita.
"Permission to speak madam." sabi ng isang jejemon na malapit sa kanya.
"speak" malditang sabi pa niya.
" ehem. madam di po talaga sasagot yan" Sabi pa niya. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap. Naka cross arms na ang babaeng kausap niya at parang bubuga na ng apoy.
hayssss so boring.
isinandig ko na lang ang likod ko sa couch at dumausdos para ipahinga ang leeg ko. habang nakatingin parin sa kanila. sumasakit ang ulo ko sa babaeng parang takas mental na kausap ng jejemon nato.
YOU ARE READING
I reincarnated as a idiot daughter of a Mafia lord (Completed)
RandomAffiana Venus D'Souza ang bobo at weak na pangalawang anak na babae ng pamilyang D'Souza kung saan kilala ang Pamilya niya bilang walang awa kung pumatay at ang ama niya ang Mafia Lord at ang namumuno sa pinakakatakutang mafia clan. At si Zai Solen...