5

2.3K 71 3
                                    

Andito nako ngayon sa kwarto ko nakatunganga lang ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si maria na dala-dala ang milk at cookies na pinasugo ko sa kanya kanina. remember nag walk out ako kanina kaya gutom ako ngayon.

" my lady here's your milk and cookies" sabay lapag niya sa lamesa. tumingin ako sa kanya at lumapit sa lamesa at umupo sa upuan

' alangan naman sa lamesa zai. diba? '

tsk. ang sarcastic naman magsalita nitong isip ko.

" maria can you tell me who I am? " tanong ko sa kanya.

" my lady?" nagtatakang tanong niya sakin.

" can't you see, I can't remember anything" walang emosyon kong sabi sa kanya sabay kagat ng isang cookies na dala niya

" tell me everything about me, kung ano ako dati, kung anong ugali ang meron ako dati,  basta lahat. " frustrated kong sabi sa kanya. kakainis naman kasi. di pa pumapasok ang alaala ni affiana sakin.

napabuntong hininga naman siya at lumapit ng kunti sakin

everything ? " tanong niya ulit sakin .tumingin naman ako sa kanya ng walang emosyon, sinabi ng everything paulit ulit. tsk! isusubo ko na sana ang pangatlong cookies na nakuha ko ng bigla siyang nag salita

" una, ikaw po ay isang papansin, gusto mo ng atensyon ng lahat, kaya ginagawa mo ang lahat ng gusto mo para lang mapansin ka ng pamilya mo ,ng taong mahal mo at ng ibang tao.  Pangalawa, masama din ang ugali mo, kahit walang ginagawang masama ang isang tao sayo pero pag nakikita mong nakatingin sila sayo ay sinusugod at inaaway mo kasi ayaw mo na tinitignan ka, oo gusto mo ng atensyon pero di kasama dun ang tataasan ka ng kilay at sinusungitan ka,  mapa lalaki man o babae inaaway mo. Pangatlo di ka marunong mag dala ng isang damit o wala kang fashion sa pananamit, basta sa tingin mo na maganda ka yun ang sinusuot mo kahit na halos makita na ang kaluluwa mo, pang apat di ka marunong mag lagay ng mga kolorite sa mukha. at pang lima di ka marunong makipag laban, oo palaaway ka pero pag labanang may armas na natatakot ka, kasi mahina ka. Ikaw ang tinaguriang ' black hole' o 'malas' sa pamilya niyo kaya yun din ang rason kung bakit di ka mabigyan bigyan ng atensyon ng pamilya mo. yun lang po" diritsahang sabi niya at nag bow.

Pigilan niyo ko sasampalin ko tong babaeng to. ang sakit niya naman magsalita. straight to the point talaga? Di ba pwedeng dahan dahanin lang ng di man lang masaktan ang kaluluwa ko kahit na hindi ako ang totoong affiana

Tinawag niya ko ng nakita niyang nakatulala lang ako at di nag react sa mga sinabi niya.

" my lady?"

tumingin ako sa kanya ng walang emosyon

" my lady are you okay? sorry po sa mga nasabi ko, nasabi ko lamang iyon sapagkat iyun ang totoong ikaw noon" nakayukong sabi niya. napabuntong hinga naman ako at tumingin sa kanya

"k. thanks. you may leave now" cold kong sabi.  inilapag ko ang cookies na hawak ko kanina na isusubo ko na sana, nawalan ako ng gana.

Nang makalabas na siya dun ko lang ikinalas ang nakakuyom kong kamao. tang ina ang sakit niya mag salita,kung makapag salita siya ng ganun parang wala lang sa kanya!

'pero kasalanan ko din naman. Pero kahit na! Dapat man lang nag dahan dahan siya sa pananalita niya! Hooo!!!! Kalma zai. kumalma ka '

hinahagod ko ang dibdib ko para kumalma ang sarili ko. tang ina talaga. naiintindihan ko naman yung sa part na gusto niya lang ng atensyon ng mga magulang niya, pero yung iba? jusko!. taena talaga. taena  mo din affiana kung saan ka man ngayon! dahil sa kagagawan mo noon pati kaluluwa ko ngayon na nanahimik na sana sa langit eh nadadamay sa problema mo.

Tumayo nako at pumunta ng banyo, kailangan kong maligo para maibsan man lang tong init ng ulo ko.

I reincarnated as a idiot daughter of a Mafia lord (Completed)Where stories live. Discover now