19

1.8K 67 7
                                    

"zai"

"zai"

sino ba tong tawag ng tawag sakin? kita ng natutulog yung tao eh.

"zai gumising ka" pang gigising niya sakin

"zai" napabuntong hininga ako at idinilat ang mata para matignan kung sino ang tumatawag sakin.

'huh? asan ako?' 

inikot ko ang paningin ko.

'nasa langit naba ako? Char.. pero seryoso  nasa langit naba ako? kinuha mo na ba ang kaluluwa ko lord? kung oo man, mabuti naman at ako'y  naistress na sa buhay ni affiana, andaming problema, nahahagard ako. Jusko '

"zai" hinanap ko ang boses na kanina pa tawag ng tawag sakin

"zai" tawag nito ulit sa pangalan ko

"alam kong maganda ang pangalan ko, lalo na ako, pero wag mo naman ako tawagin ng paulit ulit, naririnig kita okay." may pagka inis kong sabi.

"nasaan kaba? magpakita ka nga" irita kong saad

"affiana ikaw ba yan?" dagdag kong tanong ng di ito sumagot sakin

"hindi ako si affiana" sagot niya sakin

"kung hindi ikaw si affiana, eh sino ka?"

" kilala mo ako zai at nakakasama mo rin minsan" mahinhin niyang sabi

'huh? kilala ko siya at nakakasama ko pa? si maria ba to? '

" maria? " tanong ko. tumawa lang siya ng mahina

"hindi din ako si maria" bakit di niya na lang sabihin sakin kung sino siya, di ako manghuhula para malaman ko kung sino siya, duh!

" ako si Goddess Ria" dagdag niyang sabi

" Goddess Ria?" ulit ko sa sinabi niya

"oo"

'may goddess pala dito? naol goddess, sana ako din hehehe '

" nasaan nga pala ako? Ito naba ang langit?" tanong ko sa kanya. tumawa naman siya sa tinuran ko

ang ganda dito, ang aliwalas ng kapaligiran, madaming mga magagandang bulaklak na kumikinang pag nasisinagan ng araw, ang simoy pa ng hangin ang fresh,in short nakaka relax dito.

'pwede bang dito na lang ako, ayaw ko ng bumalik sa katawan ni affiana, nakakapagod ang buhay niya'

"wala ka sa langit, nandito ka sa paraiso ko" 

' paraiso niya? wow! sana lahat may paraiso '

" o...kay" nababagot kong sagot bago dahan dahang humiga sa damo at inunan ang dalawang braso at ipinikit ang mata.

" dinala kita dito para sabihin sayo na mag ingat ka"

"mag ingat saan?" curious kong tanong ng di dinidilat ang mata

" alam mo naman siguro kung paano namatay si affiana diba?"

" oo, may tumulak sa kanya sa rooftop" saad ko habang humihikab

Inaantok ako

" di yun totoo."

napamulat ako sa sinabi niya

'pinagsasabi ng goddess nato'

"what do you mean? may alam kaba sa totoong nangyari kay affiana?" walang emosyong tanong ko sa kanya

"oo. marami. marami akong alam." seryosong sabi niya

"anong nalalaman mo? Pwede mo bang sabihin sa akin?"

napatawa siya dahil sa sunod sunod na tanong ko

" pwede naman pero dahil gusto kong ikaw mismo ang makakatuklas kung ano ang totoong nangyari kay affiana hindi ko sasabihin "

" okay. Pero bakit mo ko sinabihan na mag ingat. mag ingat saan ba ? " tanong ko

"mag iingat ka dahil..... malapit lang sayo ang taong gumawa nun kay affiana.

at hindi totoo na hindi alam ni affiana kung sino ang nagtulak sa kanya, dahil kilalang kilala niya ito."

'what? so nag sinungaling sakin si affiana? pero bakit? '

" sino ang nagtulak sa kanya? seryosong tanong ko na sa kanya at iminulat ang mga mata.

Ito na ba yun? malalaman ko na ba ang katotohanan?

Matagal siya bago sumagot kaya tinawag ko siya ulit

"Goddess Ria?" tawag ko sa kanya

" bibigyan kita ng palatandaan sa taong gumawa nun kay affiana...

meron siyang tatlong nunal sa dibdib na magkakasunod"

' tatlong nunal sa dibdib na magkakasunod?  sino ba? '

" at hindi sa rooftop siya itinulak" patuloy niya

'huh? eh saan? '

fuck sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ngayon

" eh saan?" nakakunot noong tanong ko na sa kanya. Bakit di niya na lang sabihin sakin ng diritsahan.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nanahimik lang ng ilang minuto

Sino ba kasi ang gumawa nun kay affiana! malilintikan talaga siya sakin! Pisti siya!

"zai" tawag ulit sakin ni goddess Ria

" hindi pa patay si affiana...

buhay pa siya" lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"WHAT?!!"  sigaw ko at napa bangon sa pagkakahiga

the fuck! kung buhay siya eh bakit nakapasok ang kaluluwa ko sa katawan niya?

wag niyong sabihin sakin na nasa katawan niya lang ang kaluluwa niya pero natutulog. dahil impossible yun.. pero...

napahinto ako sa pag-iisip ng mag salita siya






















" nasa ibang katawan ang kaluluwa ni affiana":

I reincarnated as a idiot daughter of a Mafia lord (Completed)Where stories live. Discover now