Read at your own risk... HAHAHA joke ✌️
Affiana pov°°°
Gues what kung saan ako pupunta.
Sa bahay lang naman ng animal na si felip. Dun sana ako pupunta sa Illawarra para dun manatili ng ilang araw sa bahay kong pinatayo, pero biglang nag text tong si felip na pinapapunta niya ko sa bahay niya.
Since di ko siya nakita ng ilang araw at medyo na miss ko siya kaya heto ako ngayon papunta sa bahay niya.
Nang makarating ako sa mala higanting gate ng mansion niya ay bigla itong bumukas.
naol automatic. Pinasok ko ang sasakyan ko at inihinto sa may pintuan na may dalawang lalaking nakasuot ng puro itim na nakatayo sa gilid nito.
Bumaba naman ako at pumunta sa dalawang lalaki, yumuko naman sila ng makarating ako sa harapan nila at kinuha ang susi ng sasakyan ko ng isang lalaki para iparada sa garahe nila.
Binuksan naman ng isang lalaki ang pintuan kaya pumasok nako at sumalubong sakin ang sandamakmak na mga taohan ni felip.
" Maligayang pagdating Mrs. Lindberg" nakayukong sabi nilang lahat.
nanlaki naman ang mga mata ko sa binati nila sakin
Anong Mrs. Lindberg. Hoy!! di pa kame kasal noh, advance kayo.
Char hehehe.
Nakita kong nakatayo sa may dulo si felip na mariin lang na nakatingin sakin kaya naglakad ako papunta sa kanya ng may pagtataka.
Para akong naglalakad papunta sa lalaking mahal ko at handa ng mag yes I do father, kaso hindi nga pala ako si affiana at hindi nga pala siya ang boyfriend ko.
Nang makaabot ako sa harapan niya bigla niya kong niyakap na kinagulat ko.
hoy!!
" I miss you love" bulong niya sakin na siniksik ang mukha sa leeg ko at hinalik halikan at kinagat.
The fuck. anyare sa mukong nato, wag niyong sabihin na naging bampira na siya ah.at Isa pa baka nakakalimotan niyang nasa likod lang namin ang mga taohan niya.
"young master" bulong kong tawag sa kanya na dinidilaan ang leeg ko.
Anong nangyayari ba sa lalaking ito. nawala lang ng ilang araw naging malandi na.
"hmmm" ako lang ba ang madumi ang isip or talagang umungol siya. gago parang ungol kasi yung pagkakasabi niya ng hmmm.
" stop what your doing felip" inis kong sabi sa kanya
Inangat niya naman ang tingin niya sakin at pinalungkot ang mukha.
anyare ba sa lalaking to, kung clingy siya nong nasa library kame, mas lumala ngayon.
Nginuso ko naman ang labi ko, pahiwatig na nandyan pa ang mga taohan niya tapos ganyan siya kung umasta.
He tsked at pinaalis niya na ang mga tauhan niya at hinila ako sa taas.
Nakahiga ako ngayon sa kama ni felip, oppss wag madumi ang isip ah.
Nasa ibabaw ko siya he wants cuddle daw kaya sige pagbigyan hahaha hindi naman siya nagpapabigat kaya okay lang.
Malandi lang talaga ako oo. Hahaha
Inangat niya ang mukha niya at tinignan ako ng seryoso.
" bakit?" tanong ko sa kanya.
" I miss you" sabi niya sabay siksik ng mukha niya sa leeg ko.
Pfft bakit nakikita ko ang boyfriend ko sa kanya. Ganyan din kasi ang boyfriend ko, mahilig niyang isiksik ang mukha niya sa leeg ko tapos halik halikan niya iyon, pag nagsawa siya kakagat kagatin na naman niya na nag iiwan ng bite mark.
I feel sad and guilty for some reason, para akong nangangaliwa sa ginagawa ko, pero wala naman akong magagawa eh, nasa ibang katawan ako ngayon at kailangan kong makisama sa mga taong naka paligid sakin, lalo na sa lalaking nasa ibabaw ko.
I miss him, I miss my boyfriend so much. :'(
" ssshhh everything will be okay, stop crying love" napatingin naman ako sa kanya na pinapahiran ang tumutulong luha sa mata ko.
Di ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
Tinignan ko siya at niyakap. Iisipin ko na lang na siya ang boyfriend ko, kahit ngayon lang.
Gabi na ng magising ako, di ko namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak.
Tumingin naman ako sa gilid ko at nakita ko dun si felip na mahimbing na natutulog na yakap yakap ako.
Gumilid ako para makita ko ang itsura niya.
Ang gwapo mo, swerte ni affiana sayo.
I touch his hair and comb it, ito kasi ang ginagawa ko sa boyfriend ko pag ako ang nauunang magising samin dalawa. I love touching his hair kasi malambot at mabango.
napamulat si felip dahil sa ginawa ko
" hey, your crying again" paos niyang sabi at pinapahiran ang luha ko
Mas lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit tsaka hinalikan ako sa noo
Napaiyak naman ako lalo dahil sa ginawa niya.
Bakit? :'(
Bakit nagagawa mo ang ginagawa ng boyfriend ko sakin pag umiiyak ako :'(
why felip? :'(
" stop crying love please, alam mo naman siguro na ayokong nakikita kang umiiyak diba"
napaiyak ako lalo dahil sa tinuran niya. ganyan din ang sinasabi sakin ng boyfriend ko pag umiiyak ako.
He smiled at me widely at hinawakan ang mga pisngi kong may luha
" You know what I have something to tell you" seryosong sabi niya sakin. ano yun? bakit kinakabahan ako.
" a-ano? "
" sana mapatawad mo ako" hah? bumalatay sa mukha ko ang pagtataka.
" I'm not felip " diritsong sabi niya sakin. namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
WHAT?! so... sino to? don't tell me na reincarnate din si felip ha.
" at kaya lang ako ganito sayo ngayon, dahil nakikita ko ang girlfriend ko sayo."
" Just like you, maangas din ang girlfriend ko, the way you walk, and talk magkapareha kayo ng girlfriend ko, I don't want to hurt you, matagal ko na sana tong sasabihin sayo, pero nag hahanap lang ako ng tyempo at ngayon na nasabi ko na, sana layuan mo na ako. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko kahit na di kame magkasama ngayon...dahil nasa ibang mundo siya" mahabang sabi niya pero di ko marinig ang huling sinabi niya dahil binulong niya lang ito
"so kung hindi ka si felip... eh sino ka? " jusko, ano bang nangyayari ha. bakit lahat ng character ay na reincarnate. drabeng plot twist naman to author, nakaka bobo ng utak.
" I'm Acchilex Montenegro"
What?!
How come?
namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at gulat na gulat, paanong napunta siya dito?
Nabigla siya ng bigla ko siyang yakapin , at unti unting tumulo ang luha ko...
"heyyy". sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya
" I miss you lovee.. I missed you so much" iyak kong sabi sa kanya, kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya
" It's me lovee, it's me zai" umiiyak kong sabi sa kanya. Bigla naman niya ako kinabig para yakapin at narinig ko ang iyak niya.
•••
♔︎
YOU ARE READING
I reincarnated as a idiot daughter of a Mafia lord (Completed)
RandomAffiana Venus D'Souza ang bobo at weak na pangalawang anak na babae ng pamilyang D'Souza kung saan kilala ang Pamilya niya bilang walang awa kung pumatay at ang ama niya ang Mafia Lord at ang namumuno sa pinakakatakutang mafia clan. At si Zai Solen...