Ilang minuto na akong gising pero hanggang ngayon di pa ako bumabangon, iniisip ko pa ang mga sinabi sakin ni affiana sa panaginip ko.
Ngayon alam ko na ang lahat, gagawin ko ang makakaya ko para iwasan ang mangyayari.
Sinabi niya sakin ang lahat lahat. Kasinungalingan pala ang lahat ng alam ko. hindi tumalon si affiana sa rooftop dahil sa ekakansila ang engagement niya sa fiance niya, kundi may tumulak talaga sa kanya kaya siya nahulog. at di niya alam kong sino ang nagtulak sa kanya dahil ng mga oras daw nayun ay siya lang mag-isa sa rooftop ng school nila at di niya napansin na may tutulak sa kanya sanhi ng pag kahulog niya at pagkamatay.
' malaman ko lang kung sino nagtulak kay affiana malalagot talaga siya sakin. mata niya lang ang walang latay. ng dahil sa kaniya pati ako na dapat humimlay na ay naantala at andito sa pisting nobela nato.tsk! '
"My lady gising na po ba kayo?"
' ay hindi pa te, tulog pa ako. Tsk. sarap bangasan tong jolalay mo affiana, kita ng gising nako nagtatanong pa. Tsk. '
ano na naman ba kailangan ng babaeng to.
" Yes." cold kong sabi. pumasok naman siya at lumapit sakin na hanggang ngayon ay nakahiga parin, bakit ba eh sa ayaw ko pa bumangon.
" bakit nakahiga pa po kayo my lady? masama po ba ang iyong pakiramdam?" concern niyang sabi
Porket nakahiga pa masama na agad ang pakiramdam? Diba pwedeng tinatamad pa'kong bumangon.tsk.
Pambabara ko sa kanya sa isip ko.
" hindi, tinatamad lang ako tumayo. Oh nga pala nabili mo na ba ang mga ipinag-uutos ko sayo?" tanong ko sa kanya, inutusan ko kasi siyang pumunta sa pamilihan at ibili ako ng mga bagong gamit. ayoko ngang suotin yung mala prostitute na damit ni affiana.
"Yes my lady, at ibininta ko na din po yung mga damit mo at kung makikita niyo mamaya pagbukas mo sa inyong kabinet ay wala pa pong laman, yun po ay di pa dumadating ang mga pinamili ko na bagong gamit niyo, idedeliver pa po maya maya, at katulad po ng ipinag-uutos niyo idinonate ko ang pera sa mga charity na sinasabi mo." sabi niya habang nakatingin sakin ng diritso at nakangiti. tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na ikinahinto niya sa pag ngiti.
' oh anyari na naman sa babaeng to? parang nginitian lang.tsk '
"m-my lady" utal niyang sabi habang inaalis ko ang kumot sa ibabaw ko at bumangon.
Di ako sumagot sa kanya at diridiritso lang ang lakad papuntang veranda at hinawi ang kurtina at binuksan ang salamin at lumabas,
' hmmmm ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito napaka fresh '
Nakatanaw lang ako sa kawalan iniisip kong pano ko maiiwasan ang kapalaran ko dito. ayaw ko namang mamatay sa pangalawang pagkakataon. hmmm mas mabuti siguro kung isusulat ko ang dapat na magiging plano ko para di ako pumalpak. tama! hehehe talino mo talaga zai
"Maria kunin mo nga yung papel at ballpen ko sa lamesa at dalhin mo dito" utos ko habang nakatalikod parin. Ilang minuto na ang dumaan at walang ballpen at papel ang dumating sakin kaya napatingin nako sa likod ko at nakita kong wala si maria sa kwarto ko
Ang babaitang yun talaga umaalis ng di nagpapaalam! tsk! mamaya ka sakin maria ka.
Kinuha ko na ang papel at ballpen at babalik na sana ako sa veranda ng may nahagip akong bag sa ilalim ng kama kaya nilapitan ko ito at binuksan at halos sumayad ang panga ko sa mga nakikita kong laman ng bag
' bakit andito ang cellphone, laptop at ipad ko? wag niyong sabihin na nareincarnate din sila. chos joke lang hahaha. Pero bakit nga andito tong mga to? '
shhkkk sumasakit ulo ko kakaisip.
"my lady?"
" ahhhh!" biglang sigaw ko. habang hawak hawak ang dibdib ko. tumingin ako sa kanya at pinukol ko siya ng masama kong tingin
" ano ba?! kumatok ka nga pag papasok ka! Di yung basta basta kana lang susulpot kung saan saan! aatakihin ako sayo sa puso! jusko maria ka. ulitin mo pa yan, sasamain ka sakin" may galit kong sabi sa kanya. gago siya, kung di basta basta nawawala, bigla bigla namang susulpot kung saan saan.
"patawad my lady. kumatok po ako ng tatlong beses akala ko po ay narinig ninyo " paumanhing sabi niya habang hawak hawak ang tray na may pagkain ko.
" look at me maria" sabi ko habang naka cross arms. chos parang ang taray ko sa position nato. HAHAHA ehem.
" bakit andito tong mga gamit nato? kanino to?" tukoy ko sa cellphone, laptop at ipad. tatanong tayo mga beee at baka hindi atin yan, makasuhan pakong magnanakaw eh .
Tumingin naman siya sakin na nagtataka at tumingin sa bag
" nakita ko pong yakap yakap niyo yan, di ko alam kung bakit kaya itinago ko na lamang po at baka hanapin niyo yan" nakayuko niya paring sabi.tumango na lang ako at sinabihan siyang ilagay ang pagkain ko sa veranda at doon ako kakain.
YOU ARE READING
I reincarnated as a idiot daughter of a Mafia lord (Completed)
SonstigesAffiana Venus D'Souza ang bobo at weak na pangalawang anak na babae ng pamilyang D'Souza kung saan kilala ang Pamilya niya bilang walang awa kung pumatay at ang ama niya ang Mafia Lord at ang namumuno sa pinakakatakutang mafia clan. At si Zai Solen...