Prologue

243 8 0
                                    

Sabi nila kapag mayaman ka maraming magkakagusto sa iyo. Maraming maghabol at minsan ay sinasamba ka pa ng iba. Sabi nila kapag mayaman ka nirerespeto ka. Pero kapag mahirap? Minamaliit at inaalipusta ka pa.






Sabi nila kapag mahirap ka bawal kang makikipagrelasyon sa mga mayayaman dahil sa tingin nila pera lang ang hinahabol ng mga mahihirap sa mga mayayaman.







Kapag mahirap ka? Marami kang insecurities. Marami kang sana. Ngunit mapapasabi mo na lang na di baleng mahirap basta masaya.








Kapag mayaman ka? Magagawa mo ang gusto mo. Mabibili mo ang iyong mga gusto sa buhay. Pero minsan sa pagiging mayaman mo ay nakakalimutan mo na ang pagiging tao at nakakalimutan mo na kung sino ka.








Pero sa tingin mo sino ang mas kawawa ang mayaman ba o ang mga mahihirap?







Ang mga mahihirap sila ang nagtatrabaho para sa ating ekonomiya gagawin nila ang lahat sa pagtatanim kagaya ng mga palay, gulay at iba pa. Para lang may makain ang kanilang pamilya at ang mga mahal nila sa buhay. Pero kapag walang bumibili? Wala silang kita at walang makain.








Ang mga mayayaman naman sila ang bumibili sa mga produkto ng mga mahihirap. Dahil kung hindi sila bibili? Wala silang makain.








Kaya sa tingin mo? Sino ang mas kawawa? Ang mahihirap ba o ang mga mayayaman?







Written By:


ALUNASANGRE

A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now