Chapter 19

55 0 0
                                    

"Class listen! I'm Professor Monteryo at mula sa araw na ito ako ang magiging professor ninyo sa subject na ito. Understand?"








"Yes Sir!" sabay-sabay naman naming sagot.








I'm a first year college now and taking a course to being a psychiatrist. Amazing right?! Pinaglalaruan ko na lamang ang aking ballpen at hindi na nakinig sa isang professor na nasa harapan namin.








Simula ng araw pa naman ito nang pasukan ng klase kaya... hindi pa naman sila gaano magtuturo. Puro pakilala lang naman ang ginagawa nila.







I don't know kung ano ang magiging buhay ko dito bilang isang college student siguro mas malala pa ito sa isang high school at senior high. Nong senior nga ako nahihirapan ako sa mga activities, college pa kaya? Tsk!








"Good bye class, that's all for today,"








"Good bye sir!" saad naman nilang lahat.








Ito lang naman ang pinakahinihintay ko sa lahat ang salitang good bye class! Kakasimula pa lang ng klase pagod na ako. Parang gusto ko na lang na gumimik.







Habang nagdaan ang mga araw ay unti-unti ko nang nakakalimutan si Adrian. Pero minsan ay iniisip ko siya at miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? At ang palagi kong hiniling ay sana mawala na itong nararamdaman ko para sa kanya.








"Hoy habang buhay ka na lang bang tulala dyan?" nagulat ako ng pitikin ni Rose ang noo ko. Magkatabi lang kasi kami ng room habang sina Rhea at Liza naman ay nasa kabilang building.








Sinamaan ko na lang siya nang tingin. "Ito naman palagi mo parin bang iniisip iyong lalaki na the one and only mo na si Adrian mo?"







Inirapan ko na lamang siya at tumayo mula sa akinh pagkakaupo. "How many times do I have to tell na nakamove-on na ako sa kanya?" Kasinungalingan.







"Suss kung nababasa ko lang yang mga iniisip mo tiyak na pagtatawanan talaga kita," napapailing na saad niya.









"Shut the fuck up sis,"








"Let's go na pala tiyak na hinihintay na tayo nina Liza."







Alam nila ang lahat dahil ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaraanan ko doon sa bundok na iyon. Kasama na rin ang pagkahulog ko kay Adrian. Lahat sila ay hindi alam kung ano ang gagawin kung tatawa ba sila o malulungkot.








Nang makarating kami sa isang cafeteria ay nandun na nga sina Liza nakaupo at mukang kami na lang ang hinihintay nila.








"Owwss nandito na pala si broken girl," saad sa akin ni Rhea. Inirapan ko na lamang siya at umupo na lamang sa isang bakanteng upuan.






"Tangina ninyo hindi ako broken, nakalimutan ko na ang lalaking 'yon," saad ko na lang at nakahalukipkip na hinarap sila.







Binigyan naman nila ako ng isang nakakalokong tingin at ngumisi na tila ba may ibang iniisip tungkol sa'kin.








"Nakalimutan nga ba? O baka naman siya pa rin ang iniisip mo magdamag?" si Liza naman ang nagsalita.







"Boplaks kayo. Hindi ko na nga siya iniisip, pakialam ko naman sa kanya? Hindi lang naman siya ang lalaki sa buong mundo." pairap na saad ko na lamang.








A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now