Chapter 31

57 1 0
                                    

Nanatili lamang akong nakatayo at ang takot sa bumabalatay sa aking katawan ay nandito pa rin. Pinagmasdan ko lamang ang aking buong paligid at nakita ko ang ilang taong nag-uusap at ang ilang mga kasamahang Doctor ko na tinitingnan kung may nasugatan o nasaktan ba.








Mabuti na lang at nakarating ang mga pulis at nahuli na rin ang ilang mga armado ngunit batid kong ang iba ay nakatakas. Muntikan na akong mawala dito sa mundo.









Patuloy lamang sa pag-agos ang aking mga luha at ang panginginig ng mga tuhod ko. Nakakatrauma ang nangyari. Gusto ko nang umuwi. Dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot sa aking buong katawan.








"Hazel."







Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin. Isang yakap na mahigpit na tila ayaw akong pakawalan. "Ayos ka lang?" isang malalim na boses na tanong niya sa'kin.








Hindi ako sumagot. Hindi ako maayos.







Napapitlag ako ng bigla siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa'kin at tiningnan ang mukha ko dahilan upang masalubong ko ang kanyang kulay brown na mga mata.








"Adrian...." mahinang usal ko na lamang.








"Damn! Answer me are you ok? Nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin dahilan upang magulat ako.









Bakit niya ako tinatanong ng ganito?







"W-why are asking? N-nag-alala ka ba?" mahinang boses na tanong ko na lamang sa kanya.








"Damn yes, nag-aalala ako sa'yo. Paano ako hindi mag-alala ng makita kong hinostage ang babaeng mahal ko?!" galit na asik niya.








Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang kanyang sinabi. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya ng may pagtataka sa aking buong mukha. At nakita ko naman siyang natigilan at inilihis ang kanyang paningin sa kabilang banda ng may nag-iigting na mga panga.








"A-anong sabi mo?"








Nakita ko namang napahilamos siya sa kanyang muka. Hindi siya sumagot.








"Ma-"








Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng may tumawag sa kanya.








"Inspector Hermoso, nadakip na namin ang iba ngunit ang iba naman ay nakatakas,"








Inspector? Ngayon ko lang napagtanto na isa pala siyang pulis. Ayos na ayos ang porma niya, ang astig at ang cool.








Isa na pala siyang pulis ngayon. Ang galing naman, parang dati lang isa lang siyang taga-tanim at umaani ng mga palay sa hacienda nina lolo at lola ngayon isa na siyang astig at cold na pulis.








Napapitlag ako ng biglang may humila sa mga kamay ko. Agad ko namang tinignan kung sino iyon at nakita ko si Adrian na siyang humihila sa akin.








"Boplaks! Saan mo ako dadalhin?!" gulat na tanong ko dito sa kanya habang naglalakad at sinusundan siya.








"Somewhere." ani niya sa isang malamig at baritonong boses.








A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now