Chapter 23

51 0 0
                                    

"Ms. Del Castro, ikaw ang inatasan kong maghatid nito sa COC College. Ihatid mo itong portfolio na ito sa kay Mrs. Marasigan."





"What Sir?" puno ng pagtatakang tanong ko na lamang.





"Yes, ikaw ang inaatasan ko. At kapag hindi ka sumunod minus points ka sa'kin." saad niya at inabot sa'kin ang isang portfolio.







The hell! Why me?!






"But Sir, sa COC College? Pero ba't ako?"






"Why not Ms. Del Castro? Punishment mo na rin ito noong sinagot mo ako ng katarantaduhan."






Palihim na lamang akong napairap. Ang tagal na non tapos hindi pa siya naka move-on? The hell with this Professor?!







"Ok fine Sir."






Agad ko namang inabot ang portfolio na inalahad sa akin at tinignan ang nakalagay sa harap.





STATE OF MINDANAO COLLEGE STUDENT NAMES.





Inis na tumalikod na lamang ako. Sa daming mga studyante dito sa university na bakit ako pa?! Talagang hate ako ng Professor na iyon. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang inuutusan ako kahit na labag sa kalooban ko.






Damnit!






Twenty pesos lang naman ang pamasahe doon papunta aa university na 'yon. Nakakainis. Habang naglalakad ako ay biglang nakasalubong ko si Liza na may hawak ng isang makapal na bondpaper.







"O san ka pupunta?" tanong niya.






"Tsk. Tanginang Professor na'yon inutusan akong ihatid ito sa kabilang university sa COC College. Tangina." inis na saad ko na lamang dito.





"Ako nga mali iyong statement ng thesis ko kaya wala akong choice kundi ang umulit," madidissapoint niyang saad.






"Wala na akong masabi. Alis na'ko nakakainis!"







Kung alam ko lang na ganito pala ang kahirap ang magcollege edi sana hindi na lang ako nag-aral. Pahirap na buhay!






Hanggang sa makarating ako ng gate ay hindi pa rin maalis sa muka ko ang pagkainis. Tanginang Professor na'yon. Kahit na sina Mama at Papa ay hindi ako inuutusan dahil alam nila kung kailan ako balak kilos o hindi. Boplaks!







"San ka balak pumunta?" tanong sa'kin nong guard dahilan upang mapairap ako sa kawalan.







"So? If sasabihin ko ba sa iyo kung saan ako pupunta, ihahatid mo ba itong portfolio na ito na pinabibigay sa kabilang university?" taas kilay kong saad na lamang.






"Studyante ka ba talaga? Bakit ganyan ang ugali mo? Walang galang sa mga matatanda?"






Natigilan ako. Walang galang? "Wala po akong galang? Ginagalang ko lang naman po ang mga kagaya kong mayayaman. Pero ang katulad po ninyo na mga mahihirap? Ay wala po akong balak na iggalang po kayo." madiing saad ko na lamang.







Natigilan naman siya sa itinuran ko sa kanya. "Palabasin mo na ako, baka malate na ako at ikaw pa ang sisisihin ko." madiin kong wika.







Wala na siyang magawa kundi ang buksan ang gate at pinalabas ako. That's what you deserve! This is me. The real me. Dahil kapag ipagpatuloy ko lamang itong malambot kong puso ay ako lang naman ang kawawa. Kaya mas mabuting ibalik ko na lamang iyong dating katarantaduhan na ginagawa ko noon.







A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now