Chapter 11

52 1 0
                                    

"Damn this," mahinang usal ko na lamang habang napahawak sa aking labi. Kung wala akong mask tiyak na nakuha na ang first kiss ko. Ang isa sa pinakainiingatan ko sa lahat.





Matapos ang nangyari kanina ay agad na kaming umuwi kasama si lolo at lola. Pakiramdam ko iyon na ang pinakamalas sa lahat ng nangyari sa akin sa buong buhay ko. Inis na inilapag ko na lamang ang aking tuwalya na siyang ginagamit ko sa pagtuyo ng aking buhok. Napasalampak na lamang ako sa aking kama at sinabunutan ang aking buhok.





So frustrating!






Pakiramdam ko ay hiyang hiya ako sa nangyari kanina. Pakiramdam ko pinagtatawanan na ako sa buong hacienda dahil sa nangyari. Nakakainis.




Tumayo na lamang ako at lumabas sa pintuan ng aking kuwarto at agad na nagtungo sa sala. Nadatnan ko naman sina lolo at lola na nanonood ng TV. Agad naman silang napatingin sa akon at sinuri ang kabuoan ko.




"Hazel ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?" tanong sa akin ni lolo.





Tumango na lamang ako dito at umupo. "Ayos lang naman po,"





"Eh ano ba kasi ang nangyari sa eh..puro putik iyong mga paa mo at napahiga pa kayo ni Adrian sa isang maduming lupa at nakapatong ka pa sa kanya?" diretsong tanong naman sa akin ni lolo dahilan upang mapabuga na lamang ako ng hangin.





Sa tuwing naiisip ko iyong nangyari kanina ay pakiramdam ko nag-aakyatan ang dugo ko patungo sa aking muka. Nakakainis!




"Mahabang kuwento basta hindi ko alam ang nangyari kasi...pag-apak ko puro putik na pala ang naapakan ko kaya tumili ako hanggang sa mawalan ako ng balanse at...iyon nga," nakasimangot na saad ko na lamang.




Tumango-tango naman si lolo sa sinabi ko.





"Bagay nga kayo ni Adrian," biglang saad ni lola.




"Ano?" gulat na tanong ko dito.




"Oo nga bagay kayo. Guwapo naman iyong si Adrian at maganda ka kaya bagay kayo,"




"Lola hindi kami bagay tao kami at isa pa ayoko sa kanya dahil taga bundok siya" saad ko na lamang.




"Ano naman ang problema mo sa taong bundok? Ayaw mo ba sa amin?" napatingin naman ako kay lolo ng magsalita siya.




Umiling naman aki dito. "Hindi iyan lolo syempre gusto ko kayo at mahal ko kayo pero kasi....ayoko sa taga dito noh!" hindi ko mapigilang hindi mapairap dito.




Pareho namang natawa sina lolo at lola sa tinuran ko kaya napasimangot na lamang ako.





"Lola nababagot na ako dito, kailan ba ako uuwi sa Cagayan?" tanong ko na lamang sa kanila.




"Dalawang buwan ka pang titira dito eh...wala ka pang isang buwan dito kaya matagal pa,"





"Pero lola ayoko na dito namimiss ko na ang gumimik doon sa amin... " nakangusong saad ko.




"Hindi ka mababagot dito kapag iienjoy mo ang pananatili mo rito apo" saad naman ni lolo.




"Matanong ko lang po si Adrian nag-aaral ba siya?" puno ng kurysidad na tanong ko sa kanila.




"Oo naman magkaklase lang sana kayo kung dito ka nag-aaral"





"May paaralan rin ba dito sa highschool?"




A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now