Chapter 2

99 5 0
                                    

"Hazel ready na ang mga gamit mo at ang lahat na mga kakailanganin mo. Basta huwag ka lang maging pasaway doon sa lola at lolo mo," saad sa akin ni Mama habang inaayos niya ang mga kakailanganin ko.



"Mom ilang ulit ko na bang sasabihin sa inyo na ayoko ngang tumira sa bundok na iyon!" naghihisterical na ani ko sa kanya.




"Hazel anak, you don't have a choice. Kailangan mong sundin ang Daddy mo. Para rin naman sa iyo ito. " sagot niya naman sa akin at ibinalik ang kanyang attention sa mga gamit na gagamitin ko daw.





Para sa akin? Sa anong paraan? Paano?





"Pero mom ayoko ngang tumira sa bundok na iyon eh... " nakanguso kong saad sa kanya. Hindi siya sumagot.




"You need to. Sinabihan ko na ang lolo at lola mo, hinihintay ka na nila at excited sila na makita ka, " saad naman ni Papa nang makapasok siya sa silid ko nang kuwarto ko.




"Dad please...ikulong niyo na lang ako ng isang buwan kaysa papatirahin ninyo ako sa bundok na iyon!" naiiyak na saad ko sa kanila.




"Kailangan mong tumira doon Hazel. May business trip kami nang Mommy mo at dalawang buwan kami na mawawa muna nang pansamantala kaya mas mabuting doon ka na lang muna kina lolo at lola mo. Tiyak na mag-eenjoy ka doon. "





That's it. Puro business lang ang inaatupag nila minsan nga wala na silang time para sa akin dahil sa mga business na yan. Minsan nga naiisip ko na lang na mas mahalaga sa kanila ang business na iyan kesa sa sarili nilang anak.




"Mag-eenjoy? Dad tell me paano? Ni wala ngang internet doon eh... " napapikit sa inis na saad ko na lamang sa kanila.





"Sa ayaw at sa gusto mo Hazel kung ayaw mong bawiin ko sa iyo ang binigay naming sasakyan."





Ano?! No way! No fucking way!




"Ok fine. Susundin ko ang gusto ninyo. Just...huwag niyo lang bawiin ang sasakyan na binigay ninyo. " pagsuko ko na lamang sa kanila at lumabas na lamang sa lugar na iyon.





Arrrghhhh... I hate this fucking life!





Ano ba kasi ang dahilan para ipilit nila akong ipatira si letcheng bundok na iyon? Ano bang meron sa lugar na iyon may gold ba? May diamond, silver? Ikagaganda ba ng ekonomiya kapag doon ako titira nang pansamantala?



Tsangina naman to! Ano kaya ang magiging itsura ko? Siguro kasing itsura ko na rin ang mga taong taga-bundok doon. Ha?! As if naman na makikisama ako sa mga tao doon! Siguro isang malaking kalbaryo kasi tiyak na walang malalaking mall at gusali ang naroon kundi mga barong-barong na mga bahay lang.




"Nakakainis naman to." saad ko at sinabunutan ang aking sariling buhok.



*~*




Tumingin ako sa aking malaking salamin dito sa aking kuwarto at napangiti na lamang ako nang makita ko ang aking buong itsura.





Ang aking mahaba at maitim na buhok ay nababagay lang sa aking magandang itsura, ang aking mapupulang labi na hindi na kailangan ng lipstick para pumula. Tsk! Biniyayaan talaga ako nang isang mala anghel na ganda. Pero sa ugali? Nevermind.




Pero wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nila sa akin. Maldita, walang galang o respeto, pasaway, maraming katarantaduhan lahat yata ng mga manliligaw sa akin ay natuturn-off. Pero wala pa rin akong pakialam dahil ito ang totoong ako. Ang tunay kong ugali at hindi kagaya ng iba na nagpapakitang tao lamang.




A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now