Chapter 1

238 4 0
                                    

Sabi nila nasa akin na daw ang lahat. Maganda, mayaman at fashionista. Maraming nagsasabi sa akin na nasa akin na ang lahat kung hindi lang sana ako kasing sama nang ugali ni satanas.






Palagi akong sinusuway ng mga magulang ko na dapat ay susubukan kong kontrolin ang sama ng aking ugali. Pero anong magagawa ko? Ipinanganak na akong ganito.






"Alam mo ikaw, hindi ka naman kasi bagay dito sa lugar namin eh. Tignan mo nga yang pagmumukha mo..." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "...isa ka lang namang hamak na taong taga-bundok," pangungutya ko dito sa isang babae na may dalang isang basket at sa kanyang kalampahan ay nabunggo niya ako at nasabuyan ako ng isang tubig na may lamang isda.






"P-pasensya na po talaga Miss. Hindi ko s-sinasadya..." paulit-ulit niyang saad sa akin habang nakayuko at may nanginginig na mga kamay.






"Pasensya? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Dinungisan mo lang naman ang aking bagong damit and what's the worst? Sinabuyan mo lang naman ako ng isang tubig na may lamang isda dahil dyan sa kalampahan mo!" madiin kong saad dito sa kanya.






Marami nang nakisuyo sa amin at nakitingin. Pero wala akong pakialam. 






Nanatili lamang siyang nakayuko sa akin at maiiyak na. Pero kahit na isang maliit na awa ay wala akong nararamdaman. Bagay lang sa kanya dahil isa lang naman siyang hamak na taga-bundok na walang alam dito sa lugar ng aming siyudad.







"Pasensya na po h-hindi ko po sinasadya h-hindi po kasi ako nakatingin sa daan..."







Mahina akong natawa sa sinabi niya. "Sa bagay..." kibit balikat kong saad sa kanya. "Isa ka lang namang taong taga-bundok kaya isa kang ignorante na walang alam sa siyudad na ito... kaya palalagpasin ko muna ito. Now get lost I don't want to see your face again. Babaeng taga bundok." madiin kong saad sa kanya.





Lihim naman akong natawa nang agad niyang pinulot ang kanyang mga pinamili na naitapon sa isang semento nang daan. Tinaasan ko pa siya nang kilay at nginisian siya.







Lumuhod ako dito sa kanya at pinantayan siya nang tingin at nakita ko naman na natigilan siya. "Sa susunod huwag kang lalampa-lampa ha? Baka mamaya...hindi lang yan ang makukuha mo. Mahirap na taong taga-bundok ka pa naman." madiin kong bulong sa kanya.







"O-opo," tumatango-tango niyang saad habang nanatiling nakayuko parin.







"Good. Now leave."






Agad naman siyang tumayo at umalis na bitbit ang mga dala niya. Napapailing na lamang ako. Tsk! Wala talagang laban ang mga mahihirap sa aming mga mayayaman.







This is my life. Ang magpahiya ng mga taong taga-bundok. Dahil...sila ang mga walang kaalam-alam tungkol sa mga bagay-bagay na ang mayayaman lang ang nakakaalam. Tsk! How poor!







"Kayo dyan?! Ano pa ang tinutunganga niyo dyan? Tapos na ang eksena! Boplaks!" malakas kong sigaw sa mga taong nakikinood sa eksena na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at hindi pa umaalis.







"All of you go away!" sigaw ko pa dahilan upang magsialisan sila. Napairap na lamang ako sa kawalan at muling tumingin sa aking damit na nasabuyan nang tubig sa isda na dala kanina nong babae.







"Letche naman to." mahinang bulong ko at naglakad patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan.







Agad akong pumasok sa sasakyan at sinimulang paandarin ang aking sasakyan ngunit natigilan na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot at hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.






A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now