Chapter 8

61 3 0
                                    

Naglalakad ako ngayon habang tumitingin tingin sa buong paligid para kuhanan ko ng mga picture. Nababagot na kasi ako sa loob ng bahay at gusto ko namang libutin ang buong bundok na ito.





"Hoy akin yan! Ako ang nauna kaya akin yan!"





Napadako ang tingin ko sa mga batang nag-aagawan ng isang pagkain. Dalawang batang lalaki iyon na walang tsinelas at ang dumi nilang tignan ang dugyot ng kanilang mga muka





"Ang daya mo naman, sabi mo kapag naibenta na natin iyong bakal hati tayo sa pagkain tapos ngayon sabi mo sa iyo lang?"





"At naniwala ka naman? Sorry ka na lang dahil walang sa iyo bleehh!"






Pinagmamasdan ko lamang sila habang nag-aaway sa isang pagkain. Bakit ba lahat ng mga batang taga dito ay ganito? Iyong walang mga damit ang dugyot nilang tignan iyong parang mga walang magulang?





Nakita ko namang umalis iyong isang bata na may dalang pagkain at iniwan iyong isang batang lalaki na umiiyak dahil hindi siya binigyan ng pagkain.






Kahit na maldita at masama ang ugali ko may puso pa rin ako at hindi ko masikmurang tignan kapag nakikita kong may isang batang umiiyak dahil lang sa hindi siya nabigyan ng pagkain.






"Bata!" tawag ko naman dito. Agad naman siyang tumigil sa kanyang pag-iyak at tumingin sa akin.





Nilapitan ko siya. Nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa kanyang muka nong papalapit ako dito sa kanya.





"Ito ibili mo ng pagkain mo." saad ko na lamang at inilahad sa kanya ang isang bente pesos.




Nakatingin lamang siya sa isang pera na inilahad ko at nakita ko namang may pag-aalinlangan sa kanyang muka.





"Kunin mo na. Nangangawit na ang kamay ko kakalahad dito."





Kahit na may pag-aalinlangan ay tinanggap naman niya ito. "S-salamat po Ate." Natigilan ko Ate? sounds cute. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti pero agad rin iyong nawala. Kailangan kong patigasan ang puso ko sa mga taong taga-bundok.





"Sige. Bili ka na don." saad ko na lamang at tinalikuran siya.






Naglakad na ako papalayo at kumuha na lamang ako ng ilang mga litaro sa buong paligid. 8:AM pa naman sa umaga kaya hindi pa gaano kasakit ang init.





At kahit na tirik na tirik ang araw ay hindi pa rin masakit ang init dahil sa lamig ng lugar na ito. Paanong hindi malamig ang lugar na ito eh napapalibutan ng mga malalaking kahoy? At dahil nga sa makipot na daan ay wala akong makikitang sasakyan at syempre walang usok. Bundok nga kasi!





"Hay naku! Ano ba iyan? Bakit ba kasi palagi itong nahuhulog?" napatingin ako sa babae hindi pa siya gaanong matanda mukang kaedad lang niya ang Mama ko.






Napatingin ako sa kanyang mga dala. Tiyak na hindi niya madadala lahat iyon, ang dami niya kasing dala may mga basket cellophane at iba pa.  Nakita ko pang naglaglagan ang mga dala niya na agad naman niyang pinulot iyon.






Nagsimula na akong maglakad. Akmang lalagpasan ko na sana siya nang narinig ko na nagsalita siya.






"Naku naman... nagmamadali pa naman ako. Tapos naglaglagan pa? Naku talaga ang dami ko pa namang gagawin sa bahay!" usal niya.






A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now