Chapter 22

48 0 0
                                    

Ang isang tao na kailanman ay hindi mo akalaing muli kayong magkita ang siyang hindi mo akalain na makikita mo. Fuck! This is they called a destiny?!






I know it's him. It's Adrian. Pero paanong napunta siya sa harap ng stage at doon kumakanta gamit ang isang malamig at baritonong boses?





Ibang-iba siya sa Adrian na nakilala ko noon. Pakiramdam ko habang tinatanaw ko siya sa harap ng stage ay parang iba siya. Ibang-iba siya sa Adrian na palaging nakikita ko noon na nagtatanim ng mga palay sa palayan.







Pinagkatitigan ko pa ang isang friend request na may pangalang Adrian Lloyd Hermoso na hanggang ngayon ay hindi ko pa inaccept kahit na tatlong buwan na itong nasa friend request ko. Siya ba 'to?





Pagkatapos kasi nong kantahan ay agad na kaming umalis doon. Dahil hindi ako makapaniwalang nakita ko si Adrian, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na'yon. Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko ay nanatili lamang akong nakatitig sa kanya habang kumakanta.







Si Adrian ba talaga 'yon?





Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang isipin ang bagay na 'yon. Maybe hindi ko pa talaga si Adrian. Kilala ko lang siya bilang sa Adrian na taong bundok na tumutulong sa pagtatanim ng palay sa hacienda nina lolo. At bukod do'n wala na.







Kahit na ang buong pagkatao niya ay hindi ko alam. Kahit na ang kanyang buong pangalan. Kundi tanging si Adrian lamang.








Hawak-hawak ko ang mga libro na gagamitin namin sa isang thesis. Hindi ko alam kung bakit required pa sa aming mga college ang thesis. Is it more important?!








Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko nang may mabunggo ako. Tangina!






"Ouch..." mahinang saad ko na lamang at napangiwi.






"Can't you see that I'm walking?! What are you? a blind?!" inis na usal ko na lamang dito sa kanya at pinulot ang ilang papel na nahulog.







"Sorry."





Isang malamig at baritonong boses ang narinig ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at salubong ang kilay na pinulot na lamang ang ibang mga papel. Nang matapos ko na itong pulutin ay agad na akong tumayo.







"Are you not really a gentleman?! Why are not help-"







Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makilala ko ito. Hindi ako magalaw dahil sa gulat. Napaawang na lamang ang mga labi ko sa sobrang pagkagulat.






"A-Adrian?" gulat na tanong ko na lamang.







Nanatili lamang siyang seryoso habang nakatingin sa akin at nakakunot pa ang mga kilay niya. Nakasuot siya ng isang uniform na pang COC College nakasuot din siya ng isang Id at isang bag pack.






"I'm sorry. I didn't see that you're walking along the way." malamig niyang saad at tinalikuran ako.





Natuod ako sa kinatatayuan ko sa inasal niya. Parang pakiramdam ko ay hindi niya ako kilala. Parang pakiramdam ko ibang tao siya. And didn't I hear na nagsalita siya ng english?






At anong ginagawa niya dito?







Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Akala ko kapag nagkita ulit kami ni Adrian ay magiging ayos na ako. Akala ko hindi ko na siya maiisip pa. Ngunit sa eksenang iyon ay pakiramdam ko hindi na siya mawawala pa sa isipan ko.








A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now