Chapter 25

53 0 0
                                    

Madali lang talaga lumilipas ang araw. At ito nagpeperform na ang kabilang College university. At alam ko na kasama si Adrian. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil parang kinakabahan ako.








Kinakabahan ako sa walang dahilan. Gaya ng dati maraming mga studyante ang nakikipag-sigawan at naghihiyawan. Pero ako? Nanatili lamang akong nakatayo at hinihintay kung kailan magpapakita si Adrian.








"Uyyy inaabangan niya ang the one and only niya," panunudyo naman sa'kin ng mga kaibigan ko.








"Boplaks kayo, anong inaabangan?" nakakunot noo kong tanong sa kanila.








Binigyan lamang nila ako ng isang nakakalokong ngiti at nagpatay malisya. Agad silang humarap sa harapan ng stage at nagsisigaw pa. Daig pa ang mga ignorante.








Nakahalukipkip akong humarap sa stage at hinintay ang magpeperform. Bakit ang tagal?








Ngunit agad na nagulantang ang buong pagkatao ko nang nagsilabasan na ang mga magpeperform kasama si Adrian. Seryosong-seryo ang kanyang buong muka. Nakasuot rin siya ng isang maitim na Jacket at...ang cool niyang tignan. Kahit saang anggulo makikita mo talaga sa kanya ang kaguwapohan niyan








"AKIN 'YANG NAKAITIM NA NAKASUOT NG JACKET!!"



"WAHHHH!!! ANONG PANGALAN MO PO KUYA!!"



"SHIT ANG GUWAPO!!"






Inabutan siya ng isang mic na agad naman niyang tinanggap. Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang ako sa bawat galaw niya. Malayong malayo talaga siya sa isang Adrian na nakilala ko doon sa hacienda.








"Mic test 1 2 3." isang malamig niyang saad na nagpatili sa ilang mga kababaehan.







Hinawi ko ang aking bangs na nakaharang sa muka ko. Kahit na gusto kong isigaw ang pangalan niya kaso hindi ko magawa. Dahil...ayoko.








Pakiramdam ko siya lang ang nakikita ko. Pakiramdam ko sa kanya lang ako nakafocus.








Nagsimula na silang tumugtog. Isang tugtog na nakakpangilabot at nakakaexcite.






Parang kahapon lang,
magkasama lang, magkayakap sa ulan.
Tanda ko pa nong, unang nagkita,
Ang 'yong mga mata at ako'y nabigla.
Nong lumapit at kumapit.
Parang isang panaginip,
Ayoko'ng magising.
Ngunit nasa'n kana?
Ako'y mahal mo pa ba?








Kanta niya na muling nagpapalakas ng kabog sa puso ko. Ang kanyang kanta na tumatak mismo sa puso ko. Yes Adrian. Mahal pa kita. At sana...tulungan mo akong makalimutan kita.








Parang kahapon lang,
magkasama lang, magkayakap sa ulan.
Parang kahapon lang,
magkasama lang, wala na ang lahat



At naalala nong tayo pang dalawa,
Palaging masaya, walang problema.
At naiisip yakap mo't halik
Sana'y bumalik.
Ngunit nasa'n kana,
Ako ay mahal mo ba pa?







Lahat ng linya ng kanta niya ay damang-dama ko. Hindi ko alam kung bakit pero...may parte sa akin na nakakaramdam ng lungkot.







A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now