Chapter 29

48 1 0
                                    

Suot ko ang aking lab gown habang tinatahak ang daan patungo sa office ng aming head doctor. Hindi ko alam kung bakit dahil sabi nila may mahalaga daw iyong sasabihin.







"Hazel!" napalingon ako sa aking likuran ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.









"Oh Lyka," ngiting saad ko na lamang sa kanya.









"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.








"Sa office ng head doctor natin. May mahalagang sasabihin daw,"









"Same pala tayo, tara sabay na tayo,"









Agad naman naming tinatahak ang daan patungo sa office nito. Pagkarating namin ay nandoon na ang iba.









"Maupo kayo, may mahalaga tayong pag-uusapan."









Agad naman akong umupo sa isang bakanteng upuan. Ano naman kaya ang sasabihin nito? Baka mamaya isang malaking joke lang pala. Mahirap na.








"Kayo ang inatasan kong mag medical mission sa isang lugar. Dahil sa hospital na ito tayo ang inatasang tutulong sa isang lugar na malalayo sa isang hospital."









Medical mission? Saan naman?








"Saan naman kami magmemedical mission?" tanong naman nong isa naming kasamahang doctor.








"Sa Sitio Man-ai. Doon malayo sa hospital ang mga tao doon, kaya doon kayo tutungo ng mga dalawang linggo."









Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Sitio Man-ai? Doon ang hacienda nina lola at lolo. At wait doon kami mag medical mission? What a co-incident's. Matagal na akong hindi nakakabalik doon. Gustohin ko man ay hindi ko magawa dahil ayoko. Pakiramdam ko ang daming ala-ala na sobrang malas don.








Sabi ko sa sarili non na ayaw kong bumalik sa lugar na 'yon kung saan una akong nahulog sa isang tao.








"Simula bukas ay mag-impake na kayo ng mga gamit ninyo. Bawal ang humindi dahil alam ninyo ang tungkulin ninyo. The meeting is over."








Agad naman kaming nagsitayuan at lumabas na. Dalawang linggo. Makikita ko na naman ang lugar na 'yon. Makikita ko na ulit ang hacienda.







Wala na sina lola at lolo dahil nasa Manila na sila. Kinuha kasi sila sa mga kapatid ni Papa dahil matatanda na sila. At ang tanging nagbabantay na ngayon sa isang hacienda ay si Papa at may inatasan naman siyang tao doon para bantayan ang kanilang hacienda.








Hindi ko na alam ang takbo non dahil wala naman akong alam. At hindi ko rin naman inalam dahil alam kong wala naman akong mapapala doon.








Ang hirap maging isang Doctor. Sana kasi ipinagpatuloy ko na lang ang psychiatrist. Agad akong nagtungo sa loob ng veterinary clinic kung saan ay ang pagmamay-ari ko. Hindi ko naman kasi alam na magkakaroon ng sariling veterinary. Ang sarap sa pakiramdam.








Dati ay hindi ko pinangarap na magkakaroon ng veterinary clinic dahil never iyong sumagi sa isipan ko. Puro katarantaduhan at kaartehan lamang ang alam ko sa buhay. Pero habang tumatagal ay narerealize ko na sa katarantaduhan ay wala kang mapapala dahil malagay ka lang sa alanganin. Amazing right?!






A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now