Chapter 6

72 1 0
                                    

MABUTI NA LANG TALAGA AT HINDI AKO NASUGATAN SA PAGKAKADULAS KO SA MGA BATO!




Kasalanan kasi iyon ng hambog na lalaking yon. Gago siya! Pero buti at nakaganti ako sa kanya.





"Hazel bakit mo naman ginawa iyon kay Adrian?" tanong sa akin ni lola.




Nandito kami ngayon sa ilalim ng punong kahoy nakaupo habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na galing sa mga malalaking mga puno at kumukuha ng mga litrato. Lahat ng makikita ko na mga kapaligaran ay kinukuhanan ko. Isa rin ako sa mga taong nature lover.




"Kasalanan niya naman kasi niya lola, napakahambog kasi" nakanguso kong sagot sa kanya.



"Hazel hindi naman sa kinakampihan ko siya Adrian pero hindi rin maganda ang ginagawa mo sa kanya kasi wala namang ginagawa iyong tao sa iyo. Si Adrian isa siyang mabuting binata."



Natigilan na lamang ako. May mali ba sa ginagawa ko? Basta ang alam ko lang ay ginagawa ko lang naman ang alam kong tama, at iyon ang nagpapasaya sa akin.



"Wala naman akong ginawang mali. Ginawa ko lang naman po ang alam kong tama eh.." nakanguso kong saad na lamang dito.




"Apo sa pananaw mo tama ang mga ginagawa mo pero minsan ang alam mong tama ay nakakasakit ka na ng ibang tao. " makahulugan niyang saad sa akin.




"Lola ano po ang ibigsabihin ninyo? "




Napailing na lamang siya at marahang hinaplos ang aking buhok na nahawi sa aking muka. "Malalaman mo rin iyan sa tamang panahon sa oras na maiisip mo na mali ang mga ginagawa mo. O siya dito ka muna at tutulungan ko lang sila sa kanilang mga pinag-uusapan tungkol sa hacienda." saad niya at tumayo na.



Bakit ang lalim naman yata ang mga sinasabi ni lola? Hindi ko magets ang mga sinasabi niya. Muli kong kinuha ang camera at lumingon sa paligid para pagkuhanan ko ng mga picture.



Agad akong tumayo sa aking kinauupuan para sana pumunta pa sa ibang lugar ngunit akmang lalakad na sana ako ng biglang may isang batang babae ang nadapa sa harapan ko. Isang batang babae na kulot ang kanyang buhok na may maitim na balat at ang payat pa.



Dahil sa kanyang pagkakadapa ay narinig ko namang umiyak siya pero nanatili lamang akong nakatingin dito. Hindi ko siya tinulungan dahil ayoko. Ayokong tumulong sa isang batang taga dito dahil wala yan sa vocabulary ko.




Lampa kasi! Ang OA naman ng batang to wala ba siyang balak na tumayo sa pagkakadapa niya at iiyak na lang habang nakadapa sa lupa? Wow. Amazing! OA lang?! 




"Hoy bata tumayo ka nga dyan. Huwag kang OA dahil hindi ito ang lugar sa mga batang OA na kagaya mo." napapairap na saad ko na lamang sa isang bata.




Nakita ko namang natigilan siya sa kanyang pag-iyak at tumayo sa kanyang pagkakadapa. Psh! Para siyang isang badjao na nakatira sa isang kalye na namamalimos. Bakit kasi may mga batang ganito ang itsura? Nakikita ko pa lang ang kanya muka ay naiirita na ako.



"Hoy ikaw punasan mo nga iyang luha mo hindi bagay sa iyo ang paiyak-iyak. Nadapa ka lang naman tapos umiyak kana? Ang OA mo naman" saad ko na lang sa kanya at inismiran siya.




Nakita ko namang muli siyang umiyak ng malakas. Ano ba itong batang to attention seeker?! Hindi naman bagay sa kanya ang attention seeker na yan. Pangit na nga attention seeker pa.




"Hoy bata huwag kang  feeling. Dahil hindi bagay sa iyo ang maging isang attention seeker. Tsk!" inis na saad ko sa kanya.




"Pati ba mga bata pinapatulan mo?" 



A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now