Chapter 18

41 0 0
                                    

Kung ang pagmamahal ay nakakasakit, bakit pa siya nag-eexist?







Napabuntong hininga na lamang ako habang inaayos ang aking mga kagamitan. Ngayon na ako uuwi, tapos na ang mga kamalasan ko dito.






"This is it Hazel ayaw mo dito right? Kaya ito na ang pagkakataon mo na maging masaya para hindi ka na makakahalubilo pa ng mga taong taga rito. Ayaw mo sa kanila di ba?" pangungumbinsi ko na lamang sa sarili ko.







"Hazel nandito na ang Mama at Papa mo!" tawag sa'kin ni lola.









Finally! Makakauwi na ako, pero...kahit na anong gawin ko sa sarili ko na maging masaya sa pag-uwi ko ay wala akong nakita, kundi ang kalungkutan.






"Oo lola bababa na!" sigaw ko na lamang dito pabalik.







Dito sa lugar na ito marami akong natutunan. Natutunang mahulog sa isang tao na kahit kailan ay hindi ako masasasalo nito. Dito ako nasaktan at dito rin sa lugar na ito ay puro kamalasan lamang ang nangyari sa akin. Ngunit kahit papaano ay may naging kaibigan ako dito.







Nang makababa na ako ay nadatnan ko agad sina Mama at Papa na nakaupo sa isang sala habang masayang nakikipag-usap kina lolo.








"Mom! Dad!" tawag ko na lang sa kanila.







Agad naman silang tumayo at sinulubong ako ng isang mahihpit na yakap. "Namiss ko kayo,"







"I miss you so much dear so how are you here, sa loob ng pananatili mo dito?"






Ngumiti na lamang ako sa kanila. "Hmmm fine,  aakyat lang po ako para magbihis."









Agad akong bumalik sa aking kuwarto at kinuha ang aking damit na nireserve ko para suotin ko ngayon. Isang maikling palda na above the knee na kulay itim at isang white na off shoulder na kulay white at isang high heels na six inches ang haba.









Carry ko na magsuot nito dahil siyudad ang pupuntahan namin at hindi na bundok. Itinali ko ang aking mataas na buhok na minsan ko lang na ginagawa at pinabayaan ang aking bangs na nasa aking noo. Naglagay na lang ako ng kaunting pulbo at isang hindi gaanong mapuli na lipstick. Great! Naging sophistikada ang dating ko.







"Hand na ba ang mga gamit mo Hazel?" narinig kong saad ni Papa.







Tumango na lamang ako dito. "Handa na,"








Humarap ako muli sa isang salamin at ngumiti pero kahit na anong gawin ko ay may isang lungkot pa rin sa aking muka ang hindi nawawala.










Mamimiss ko si Adrian....ang lalaking lihim kong minamahal.









Nang makababa ulit ako ay wala na sina lolo at lola hula ko ay nasa gate sila kasama si Mama na nag-uusap pa rin. Hindi ko mapigilang malungkot, ito ang gusto ko ang makauwi sa amin. Pero bakit ganito? Bakit parang ayaw ko nang bumalik sa amin?








Nang makalabas ako sa gate ay nadatnan ko pa ang ilang mga kabataan na naglalaro ng patentero at ang ilang mga tao na nag-uusap. At mula sa di kalayuan ay natanaw ko na ang kotse ni Papa. Paano kaya nagkasya ang kotse ni Papa sa daan gayong makipot naman?









Kung makakabalik man ako dito ay tiyak na matagal pa.








"Hazel magpapakatino ka na doon huwag nang maraming katarantaduhan," paalala naman sa akin ni lola.










A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now