Chapter 10

64 3 0
                                    

"Apo huwag kang magsuot ng maiksing damit dahil tutulong ka sa pagtanim ng palay sa inyong hacienda,"




Napabuga ako sa aking ininum na tubig nang marinig ko ang sinabi sa akin ni lola.




"What?!" hindi ko mapigilang magtaas ng boses.




"Oo apo tama ang narinig mo. Tutulong ka sa pagtanim ng palay doon sa hacienda. Kaya huwag kang magsuot ng mga siksing damit"




"Lola naririnig niyo po ba ang sinasabi ninyo? Ako?" turo ko pa sa sarili ko. "Ipapatanim ninyo ng palay? Lola naman... madudumihan ako nya'n..." nakanguso kong saad sabay lapag sa isang basong ininuman ko.




"Ayos lang na madumihan ka apo, maliligo ka rin naman pagkatapos."





Lumapit naman ako kay lola at hinawakan ang kamay niya. May pagmamakaawang tinignan ko naman siya na nakanguso.





"Pero lola naman kasi...huwag niyo na akong ipatanim ng palay dahil hindi ako marunong..."




"Kaya nga tumulong ka na magtanim ng palay para matuto ka" nakangiti niyang saad sa akin. Mas lalo naman akong napanguso.




"Lola ayoko po" umiiling na saad ko na lamang.




"Hazel naman ngayon lang ako nakikiusap sa iyo eh atsaka para naman ito sa iyo kaya payag ka na apo,"




First time kong magtanim ng palay kaya ayoko. Baka madumihan lang itong makinis kong balat na kahit kailan ay hindi pa nakakaaapak sa palayan. Lumaki ako sa siyudad kung saan wala akong naaapakan na mga palayan. Kahit nga sa putik ay hindi pa ako nakakaapak at dito pa lang sa bundok na ito unang beses kong nakaapak sa mga putikan.




Pahirap na buhay naman to!



Pero mahal ko si lolo at lola ayokong humindi sa kanila dahil baka magtampo sila sa akin. Sa kanila lang naman kasi malambot itong ugali ko.




"Sige lola pero ngayon lang ito ah," nakangusong saad ko na lamang.




Pero bakit kailangan ko pang tumulong sa pagtatanim ng mga palag gayong may mga trabahante at trabahador naman doon? Ano na naman kaya ang plano ni lola?




"Huwag kang mag-alala tutulongan ka naman ni Adrian sa pagtatanim ng mga palay,"





Napakunot ang noo ko. "What? Bakit?" sunod-sunod na tanong ko dito.





"Magaling iyong magtanim ng palay kaya tiyak na matuturuan ka nang maayos ni Adrian kapag nagtatanim ka,"




Napatayo na lamang ako. This is not me anymore! Ayokong magtanim ng palay! Ayokong umapak sa palayan na puno ng mga putik! Ayoko! At ayoko!




Pakiramdam ko talong-talo ako ngayon. Ang isang bagay na wala sa vocabulary ko na gagawin ko ay magagawa ko at labag iyon sa kagustuhan ko! But what the hell! Ako? Magtatanim ng palay at tuturuan pa ako nong lalaki na yon?




"Sige lola. Magtatanim ako ng palay" walang ganang saad ko na lamang. "Maghanda lamang ako"



Napabuntong hininga na lamang ako. I'm out! Ayoko na. Wala pa akong isang buwan dito at para na akong nilalagay sa impyerno. Ito ba ang parusa sa mga katarantaduhang pinaggagawa ko?




Ano kaya ang magiging itsura ko kapag nagtatanim ako ng palay? Sigurado ako na magiging kamuka na ako sa mga taong taga dito na ang dugyot tignan.




A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now