Chapter 33

76 1 0
                                    

"Now explain kung bakit ang bilis ng pagpapatakbo mo sa iyong sasakyan. Ms. Del Castro?"







Napapikit na lamang ako ng mariin.







Para na akong naiiyak dito sa loob ng isang rehas. Puno ng pagmamakaawang humarap ako dito sa kanya at nasalubong ko ang kanyang isang malalim na titig habang nakahalukipkip na matiim na nakatitig sa akin.








"Palabasin mo na ako dito. Ayoko na sa lugar na ito Inspection," pagsusumamong saad ko na lamang sa kanya.







"Now tell me, bakit ang bilis ng pagpapatakbo mo sa iyong sasakyan? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo? Anong akala mo, sampu ang buhay huh?" sa tono ng kanyang pananalita ay batid kong galit siya.








"Ginawa ko 'yon kasi masaya. At isa pa ginagawa ko na iyon dati pa dahil alam kong iyon ang nagpapasaya sa sa'kin,"








"Masaya?"








Nakita kong napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa inis. Bakit ba ito nagagalit? Inaano ko ba siya?








"Wait, bakit ka ba nagagalit? Bakit ba ganito ka kung makaasta? Dati na akong nahuhuli sa mga pulis dahil sa katarantaduhan ko. Kaya ano pa ba ang inaarte mo at pinapagalitan ako?!" inis na saad ko na lamang sa kanya.










Nasa loob kasi ako ng kulungan habang siya naman ay nasa labas at pinapagalitan ako na daig pa ang isang Nanay. Badtrip.








"Nagagalit ako dahil mahal kita. At nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko na may mangyaring masama sa'yo." madiing saad niya na ikinatigil ko.







Hindi ko makita ang mga sasabihin ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero kinikilig ako. Kinagat ko at loob ng aking pisngi para pigilan ang pagngiti ko.







"Palabasin mo na ako dito. Look naiinis na ako and fuck! Look at this place Adrian! Hindi ko kayang magstay dito!" I exclaimed.







Nakita kong umiling siya. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin dahilan upang iatras ko ang aking mukha sa kanya. Alam ko naman na hindi niya maabot ang mukha ko dahil nasa loob ako ng rehas. Tangina.








At dahil sa paglapit niya ay naamoy ko ang kanyang mabangong hininga. Inilayo ko ang aking mukha sa kanya dahil naiilang ako sa mga titig niyang nakakapatay.







"No. Hindi kita palalabasin dito hanggat hindi ka maging akin." paos wikang saad niya sa'kin dahilan upang manlaki ang aking mukha.






Ano ang ibig niyang sabihin?







"W-what do you mean?"








Ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko. "Hindi kita palalabasin dito hanggat hindi mo ako sinasagot. Can.you.be.my.girlfriend?"







Tangina? Paano niya nagagawang sabihin ito gayong nakakulong ako?! And fuck binablackmail na ako nito?







"Damn you Adrian! Binablackmail mo ba ako? Hindi mo ako palalabasin dito hanggat hindi kita...." napahampas na lang sa rehas ng kulongan sa inis ko dito sa kanya. "Damn this, palabasin mo ako dito." madiing utos ko sa kanya.







Nakita kong bahagya siyang natawa. "I'll give you twenty minutes to think Ms. Del Castro. Pero kung ayaw mo akong sagutin mananatili kang makakulong dito at kapag sinagot mo ako, hindi na sa kulongan ang bagsak mo. Dahil kukulongin na kita sa puso ko." saad niya at naglakad papalayo.







A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now