Chapter 7

58 3 1
                                    

Isa akong spoiled brat na lumaki bilang isang maldita at may masamang ugali. Mabait lamang ako sa aking mga kaibigan, sa aking magulang at kina lolo at lola. Pero sadyang masama ang ugali ko sa iba lalong lalo na kapag nakikita ko pa lang ang kanyang muka ay napipikon na ako.





Humingi naman ako ng sorry kina lola at lolo dahil sa ginawa kon yun at syempre bilang isang malambing na apo nila tinanggap naman nila ang sorry ko at sinabing... huwag ko na raw iyong uulitin.





Pero may katigisan ang ulo ko uulitin ko pa rin iyon kapag nagkataon. Bored na bored na ako dito kaya naisipan ko na lang na bumili ng load. Pero teka? May tindahan ba rito? Huwag nilang sabihin na wala ding tindahan dito.





Matanong nga kina lolo. "Uhmm.. lola saan po ba dito iyong may nagbebenta ng load?"





"Load aanuhin mo naman ang load?"





"May pagagamitan lang ako alam mo na iyong social media ganun."





"Ahh hindi naman kalayuan dito ang tindahan. Doon sa kabilang bahay iyong may makipot na daanan. Iyon na ang isang tindahan na may nagbebenta ng load. "





Tumango na lamang ako. "Sige lola bibili lang ako ng load. "





Hindi pa naman gaanong katirik ang araw dahil maaga pa lang. Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong pa akong mga bata na may binubuhat na mga bakal. Kahit na mga babae ay nagbubuhat rin.





Hindi ako mapakali habang naglalakad ako dahil pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga taong nakakakita at nakakasulubong ko. Hayan na naman ang mga taong ignorante.





"Marss tignan mo ang babaeng iyan ang sama daw ng ugali niyan... "


"Oo nga may narinig pa akong sinasabi nila na binato daw niya ng saging iyon si Adrian kahit na wala namang ginagawang masama iyong tao. "


"Talaga? Grabe naman dapat ang ganyan na klase ng mga tao ay ipatapon. Sa kasamaan ba naman ng ugali niya?


"Sinabi mo pa. Porket mayaman ganyan na kung umasta. Porket apo siya ng may-ari ng buong hacienda."





Ikinuyom ko ng mariin ang aking mga palad dahil sa mga pinagsasabi ng mga tao dito na nag-uusap. Ako ba ang pinariringgan nila? Kahit na hindi nila sinasabi ang pangalan alam ko na ako ang chinichismis nila. Mga walang hiya! Nandito lang ako kung mga makachismis sila parang hindi nila ako nakikita.





"Tignan mo tumigil sa kanyang paglalakad, halatang narinig tayo."


"Pabayaan mo na totoo naman kasi na ang kagaya niya ay isang salot dito sa lugar na ito. Bakit pa kasi dumating yang babae na iyan dito?"




Hindi na ako makapagpigil sa inis ko. Agad ko silang nilapitan na ikinatigil nila. Tsk! Makapangchismis akala naman nila ang gaganda nila?! Tinignan ko sila isa-isa. Lima silang lahat at lahat sila ay ang pangit maitim mataba at kulot ang kanilang mga buhok na parang mga igorot at nakaupo pa sa isang malaking bato.




Tignan mo nga naman! Akala mo naman ang gaganda nila?! Eh sila naman pala itong salot sa buong ekonomiya eh.




"Problema mo Miss?" tanong sakin nong isa. Nagkibit balikat na lamang ako at peke ko silang nginitian.





"Wala naman. Ang masasabi ko lang ay...look.your.self.at.the.mirror.first. bago po kayo mangchismis ng iba. And oh wait hindi na ba kayo nahiya sa chismis ninyo? Nasa harapan niyo lang. Tsk eh ano pa bang maaasahan ko? Isa lang naman kayong hamak na taong taga-bundok na mga ig.no.ran.te." saad ko na lamang sa kanila.




A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now