Epilogue

121 3 0
                                    

PS: Mababa at maikli lang ang POV na'to kaya pasensya!







ADRIAN LLOYD HERMOSO







Umaani ng palay, taga tanim ng palay at taga buhat ng mga halaman. Iyan ang trabaho ko bilang isang farmer. Isang farmer na kilala nila bilang hot!








Minsan ay galit ako sa mga mayayaman dahil inaalispusta kami ng mga mahihirap. Pero hindi nila naisip na sa tulong naming mga mahihirap ay kaya may pera ang mga mayayaman.







Ipinangako ko rin sa sarili ko hinding hindi ako magkakagusto sa mga mayayaman dahil alam kong ang taas ng mga standard nila. Mas gusto ko na lang na ang isang simpleng babae at may kabaitan. Iyan ang salitang palagi kong inilalaagay at itinatak sa aking isipan.







Ngunit lahat nga mga bagay na ibinabakod ko sa aking isipan ay biglang nagbago ng makilala ko ang isang bababe. Isang babaeng napakaarte at napakaganda. At nalaman ko na siya pala ang Apo ng nagmamay-ari sa buong hacienda. At Hazel Ann Del Castro ang buong pangalan niya. Nababagay sa kanyang magandang itsura. So beautiful and I want to be her mine.







To be her mine? Putcha! Sinabi ko noon na hindi ako magkakagusto sa isang babaeng mayayaman at maarte pa. At ang mas lalo pang nagpapagulo ay may girlfriend ako na si Monique.







Mahal ko siya at alam ko 'yon pero itong nararamdaman ko kay Hazel ay nacoconfuse ako. Napakaarte niya palaging nakasuot ng high heels at palaging nakasuot ng mga maiksing damit. Psh! Hindi ba niya alam na hacienda ang pinuntahan niya?








Ibang klaseng babae!







Minsan naiinis pa ako sa katayuan ng buhay namin sa isa't-isa dahil siya ay mayaman habang ako? Isang mahirap na nagtatrabaho at sumasideline lamang sa hacienda. Alam ko naman sa mga mayayaman na ang tataas ng mga standard nila alam ko rin na ang gusto nila ay ang mga mayayaman rin na kagaya nila. Unfair.







Naalala ko pa ang araw na natapilok siya dahil sa kaartehan niya at tumawa ako ng malakas. Ang cute niyang tignan minsan ay lampa pa. She is so damn beautiful like a goddess. At naiinis pa ako dahil ang layo lang talaga ng agwat namin sa isa't-isa.








Sa tuwing tinititigan ko ang mga mata niya palaging bumibilis ang tibok ng puso ko lalo na kapag ngumingiti siya. Maarte siya kahit na sa putik ay natatakot na dumikit pa sa kanya. Kakaiba siya sa lahat.







Nang minsan ay nakipag-away siya ay tinutulungan ko siya, dahil sa kasamaan ng ugali niya ay napapaaway pa siya. Ibang klase. Ngunit sa ilang araw na pananatili niya sa hacienda ay napapansin ko na umiiba siya nagiging mabait siya. I found her unique dahil pakiramdam ko ang dati niyang masahol na ugali ay nag-iiba na.








Damnit!








Habang tumatagal ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Ngunit natatakot ako na hindi niya ako saluin dahil masakit 'yon. Pero may girlfriend ako at alam ko na masasaktan ko siya. Naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.








Hanggang sa bumalik sa Monique na mas lalo pang nagpapagulo ng buhay ko. Imbes na magiging masaya ako sa pagbalik niya galing Manila ay hindi ko magawa. Nagpapanggap lang akong masaya pero sa totoo ay hindi.








Naguguluhan na ako pinilit kong ituon ang attention ko kay Monique nguniy hindi ko magawa dahil palagi kong iniisip si Hazel. Napapansin ko na minsan ay hindi na siya pumupunta sa hacienda.








A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now