Chapter 3

89 4 0
                                    

Nanatili lamang ako sa loob ng aking kuwarto nagmumukmok at hindi lumalabas mula kanina. Nakasimangot akong nakasandal sa kobre ng kama at tumingin na lamang sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang sinag ng araw.





Dalawang araw na akong nanatili dito. Hindi ako lumabas at tanging sa silid lamang ako tumatambay at hindi lumalabas dahil ayaw kong makahalubilo ng mga taong taga dito.







Bumalik na rin sina mama at papa sa Cagayan at iniwan ako dito. Nababagot na ako at anumang oras ay parang gusto ko na lang sumunod kina mama at papa.







"Ma'am lumabas na daw po kayo dyan dahil oras na ng almusal ninyo"







Napatingin na lamang ako sa pinto nang may kumatok dito. Hindi ako sumagot dahil wala akong balak na lumabas at gusto ko na lang na magkulong dito sa kuwartong ito. Hindi gaanong kalakihan ang kuwarto katamtaman lamang ang laki walang banyo sa loob na hindi kagaya nong kuwarto ko doon sa siyudad.








Hindi rin kalakihan ang kama ko siguro mga dalawang tao ang makakahiga. Hindi kagaya nong kama ko sa siyudad.







"Ma'am Hazel gising na po ba kayo?" rinig kong tanong mula sa labas ng pinto.







Agad akong tumayo at lumapit sa pinto at nakita ko ang isang kasambahay na sa tingin ko ay kaedad ko lamang. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at inirapan siya nakita ko naman ang pag-awang ng kanyang labi dahil sa ginawa ko. Tinalikuran ko siya at agad na bumaba patungo sa hagdan.







Hindi na ako nag-abalang mag-ayos at suklayin ang aking buhok dahil alam ko naman na wala akong pag-aayusan. Para saan pa at mag-ayos ako? Eh...hindi naman ito siyudad!







Pagkarating ko sa kanilang dinning table ay nakita ko si lolo na nagbabasa ng magazine at humihigop ng kape at si lola naman ay nakaupo sa isang mesa na may pagkain na nakahanda.







"Good morning po lola, lolo" bati ko sa kanila.







"Magandang umaga rin apo, halikana at kumain na nakahanda narin ang almusal," saad naman sa akin ni lola.








Si lola ay matanda na ganun narin si lolo sa pagkakaalam ko ay 58 si lola si lolo naman ay 60. Pero kahit na matanda na silang dalawa malakas pa rin ang mga buto nila. Hindi rin gaanong maputi ang kanilang buhok at kung titignan pa nga ay mukhang nasa 40 pa ang mga edad nila.







May mga pinsan rin naman ako pero nasa ibang lugar. Ang iba ay nasa Manila ang iba naman ay nasa Visayas. Kami lang ata dito ang napadpad sa Cagayan De Oro.






Dito kasi piniling manirahan nina mama at papa dahil na rin sa kanilang Hacienda. Sayang lang rin naman daw kapag pabayaan nila ang Hacienda na iyon na pinamana pa sa lolo ng lolo ko.







Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit dito nila ako pinapatira nina mama at papa gayong hindi naman ako sasaya dito dahil hindi ako makakapagshopping hindi ako makakagimik at makakagala at...alam ko na hindi ako magiging masaya dito dahil mga taong ignorante ang makakahalubilo ko dito na mga ignorante pa.








"Hazel apo ayos ka lang ba? Bakit tulala ka dyan kanina pa kami nagsasalita dito eh hindi ka sumasagot ayos ka lang? Hindi ba masarap ang luto? Hindi mo ba nagustuhan?" sunod-sunod na tanong sa akin ni lolo na ngayon ay nasa hapag kainan na.








Umiling naman ako sa kanila. "H-hindi po may iniisip lang kasi ako," asik ko na lamang sa kanila at sumubo ng isang kutsara na kanin.








A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now