Chapter 12

55 1 0
                                    

Umalis na ako sa lugar na iyon dahil sa eksenang iyon. Pakiramdam ko hiyang hiya na ako. Namalayan ko na lang na sumusunod na pala ako kay Adrian.








What the? Bakit ko siya sinusundan?!







Napatigil na lamang ako sa aking nilalalakaran. Napasampal na lamang ako sa aking noo. What the hell?! My mind is out of nowhere ni wala sa isip ko na sinusundan ko na pala ang lalaking ito.








"Oh? sinusundan mo pala ako?" baling niya sa akin.







"Hindi kita sinusundan tanga," nakahalukipkip kong saad at inirapan siya.







May dalawang metro ang agwat namin sa isa't-isa. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang siya naman ay kalmado lamang at pinag-aralan ang bawat galaw ko.









"Sigurado ka ba?"







Humakbang siya papalapit sa akin kaya dahan-dahan akong napapaatras. Lumingon pa ako sa aking paligid at nakita ko naman na malayo lang sa amin ang mga tao.








"Oh? problema mo?" inis na tanong ko sa kanya.








Patuloy lamang siya sa kanyang paghakbang papalapit sa akin at tila parang binubundol ang puso ko sa kaba. Kinakabahan ako sa ginagawa n'ya.








Tumigil naman siya sa kanyang paghakbang at namalayan ko na lang na ilang distansya na lamang ang layo namin.








Buong tapang ko siyang tinignan sa aking mga mata at nilalabanan ang titig niya sa akin. Natigilan ako nang pinasadahan niyan ng tingin ang kabuuan ko.







What the hell did he doing?!







Napatingin naman siya sa muka ko hanggang sa maglaban kami ng titig sa isa't-isa. Walang nagsasalita. Walang umiimik kundi tanging isang titig lamang sa isa't-isa ang aming ginawa na para bang nag-uusap ang aming mga mata.






Ang kanyang mga mata na kulay brown.







Kahit na aaminin ko na kinakabahan ako sa kanyang titig sa akin na buong tapang kong nilalabanan ay pilit kong tinatanggal ang kaba sa aking puso.








"Pangit ka na nga. Masama pa ang ugali mo," biglang saad niya sa akin.







Bigla siyang tumalikod at umalis na. What?! Did he just say that I'm fucking ugly?!






Ever since in my life wala pang tumatawag o nagsasabing pangit ako. Lahat sila ay puro puri ang natatanggap ko. Pero ngayon? Isang hamak na lalaking taga-bundok ang nagsabi sa aking pangit ako!






Inis ko siyang sinundan at wala na akong pakialam kung saang direksyon ang tatahakin niya basta ang alam ko gaganti ako sa kanya.







"Hoy gago ka! How dare you to say that I'm ugly?!" galit na bulyaw ko dito sa kanya habang nakasunod sa kanya.








Hindi siya sumagot. "Hoy lalaking hambog! Ulitin mo nga iyong sinabi mo!" galit na saad ko sa kanya.








Hindi pa rin siya sumasagot. Tanginang to! Ang hambog niya, akala mo naman kung sinong guwapo!








"Hoy lalaking hambog! Boplaks ka ang yabang mo talaga!" galit na sigaw ko na lamang dito sa kanya. Ngunit nanatili lamang siyang bingi.







A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now